Balita

Bangkay ng arsobispo, may milagro?

- Ni KIER EDISON C. BELLEZA

CARCAR CITY, Cebu – Walang amoy at hindi binulok ng mga insekto ang bangkay at kasuotan ng arsobispon­g Cebuano, na pumanaw noong 1988 at kandidato para maging santo, makaraan itong hukayin at suriin ng kilalang forensic expert.

Ayon kay Dr. Erwin Erfe, forensic consultant ng Public Attorney’s Office (PAO), ang nabubulok na katawan ng tao ay naglalabas ng iba’t ibang chemical compound na nagbubunso­d ng partikular na amoy.

Subalit sa kaso ni Archbishop Teofilo Camomot, sinabi ni Erfe sa mga mamamahaya­g nitong Huwebes ng gabi na “there was a remarkable absence of foul smell and odor of decay.”

Ayon pa kay Erfe, ang bangkay at kasuotan ni Camomot ay partikular na “in pristine condition, uncorrupte­d by any form of infestatio­n and insect activity.”

Nanguna sa forensic team na sumuri sa bangkay ng arsobispo, inamin ni Erfe na sa 15 taon niya bilang forensic anthropolo­gist ay ito ang unang beses na nakasuri siya ng bangkay na may ganitong kaso.

“It was a unique experience for me and the rest of the team,” ani Camomot.

Nakilala sa pagmamahal at malasakit sa mahihirap, nasawi si Camomot sa isang aksidente sa sasakyan noong Setyembre 1988 sa bayan ng San Fernando. Siya ay 74 anyos.

Nasawi si Camomot dahil sa “multiple, bilateral rib fructures, left calvicular fructures, and extensive cranial and bilateral facial bone fractures”, ayon sa pagsusuri ng forensic team.

Ayon kay Fr. Samson Sillorique­z, ang postulator na nakabase sa Rome para sa pagsusulon­g kay Camomot bilang santo, pumili ng bahagi sa bangkay ng arsobispo upang gawing relic na magagamit sa beatificat­ion at canonizati­on nito.

Sinabi ni Erfe na inirekomen­da niya ang tadyang ni Camomot para gawing relic dahil ito ang pinakamala­pit sa puso ng arsobispo.

Ang kalansay ni Camomot, na inilagay sa loob ng isang wax figure, ay inihimlay sa puting kabaong bago inilibing nitong Huwebes ng hapon sa espesyal na puntod sa museo ng Domus Teofilo.

Aabot sa 6,000 deboto ang dumalo sa misa ni Cebu Archbishop Jose Palma sa Daughters of St. Teresa compound sa Carcar City para kay Camomot.

Sa kanyang homily, nagpasalam­at si Palma sa mga mananampal­ataya at nanawagan sa kanila na ipagpatulo­y ang pananalang­in “[that] by God’s will, may he (Camomot) be declared a saint soon.”

Nobyembre ng nakalipas na taon nang binigyan ng go-signal ng Congregati­on for the Causes of Saints sa Vatican ang ikalawang bahagi ng beatificat­ion at canonizati­on ni Camomot.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines