Balita

Beauty, clueless sa kasal ng BFF na si Ellen

- Ni REGGEE BONOAN

NA SASABIT ang pangalan ni Beauty Gonzalez sa napapabali­tang kasalan nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz sa Pebrero. Best friends sina Beauty at Ellen at ang Pusong Ligaw lead star ang dahilan kung bakit nagkakilal­a at nagkalapit nang husto ang huli at si Lloydie bukod pa sa magkasama ang dalawa sa sitcom na Home Sweetie Home.

May tsika na si Beauty raw ang nagpakalat ng balitang ikakasal na ang dalawa na agad inalmahan ng aktres dahil wala raw itong katotohana­n.

Sobrang busy si Beauty sa Pusong Ligaw na isang linggo na lang mapapanood sa ABS-CBN pagkatapos ng It’s Showtime dahil hand to mouth ang tapings nila.

“Sa totoo lang, if I would know, I will be the first one to know but it’s not true, okay?” sabi ni Beauty nang mainterbyu ng press sa farewell presscon ng Pusong Ligaw. “So, wala akong balita. At saka bakit naman nila itatago ‘ yon? Masaya sila sa isa’t isa, I mean, bakit nila kailangang itago ang mga bagay-bagay na ‘yon?”

Dugtong pa niya, “Nakikita naman ng tao na Ellen posted a photo of Idan. Hello, are you stupid enough not to understand that they’re together?

“So if they’re gonna get married or not, that’s their decision ‘coz by the end of the day, hindi naman kami pagmamay-ari ng mga ibang tao, na pagsasabih­an kami kung ano’ng nangyayari sa buhay namin.

“Masaya silang dalawa sa isa’t isa and I’m happy for them. I mean, let’s keep it that way kasi hindi nabibili ‘yung happiness mo. So, kung masaya sila, hayaan natin silang maging masaya.

“I mean, they’re not doing any showbiz work anymore, give them a break. Wala na nga sila dito sa mundo natin kaya patahimiki­n na natin sila.”

Natawa si Beauty sa tsikang may kinontak daw na catering service sina Ellen at John Lloyd para sa nalalapit na kasal.

“Naku, nakakatawa naman ‘yan. You know what, the family of Ellen owns a catering business. So, ano pa ba? Ano’ng florist, sinong florist? Taga- Dangwa ba? Hindi ko alam, wala, walang florist. Malapit na ang Sinulog baka nagpa-flower sila sa bahay nila,” humagalpak na tawa ng nanay ni Diego Loyzaga sa Pusong Ligaw.

Samantala, abangan ang nalalapit na pagtatapos ng Pusong Ligaw dahil maraming pasabog pang mangyayari lalo na sa parte ni Raymund Bagatsing bilang si Jaime na hindi tumitigil hangga’t hindi makakagant­i kina Tessa/ Teri ( Beauty) at Joem Bascon ( Caloy) at isinama na rin sina Marga ( Bianca King) at Vida ( Sofia Andres).

Abut-abot ang pasalamat ng buong cast ng Pusong Ligaw sa mga sumubaybay sa programa sa loob ng siyam na buwan nilang pag-ere.

 ??  ??
 ??  ?? John Lloyd at Ellen Beauty
John Lloyd at Ellen Beauty

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines