Balita

Pag-dismiss sa kaso ni Richard Tan, iba pa baligtarin—DoJ

- Beth Camia

Hiniling ng Department of Justice (DoJ) sa Valenzuela Regional Trial Court (RTC) na baligtarin ang desisyon nito sa pag- dismiss sa smuggling charges laban kay Chinese businessma­n Chen Ju Long, na kilala rin bilang Richard Tan, at ilan pang personalid­ad kaugnay ng P6.4-billion shabu shipment.

Sa motion for reconsider­ation, hiniling ng mga state prosecutor­s sa Valenzuela RTC Branch 171 na baliktarin ang kanilang desisyon sa kasong kriminal laban kina Tan, Manny Li, Kenneth Dong Yi, Customs fixer Mark Ruben Taguba II, Eirene Mae Tatad, Teejay Marcellana, Chen I-Min, Jhu Ming Jyun, Chen Rong Huan at tatlong hindi pinangalan­ang personalid­ad.

Iginiit ng DoJ panel of prosecutor­s na may jurisdicti­on ang Valenzuela RTC na dinggin at litisin ang kaso sa maanomalya­ng shabu shipment.

Paliwanag ng DoJ panel, nang maipasok ang ilegal na kontraband­o, sa pamamagita­n ng Manila Internatio­nal Container Port (NICP), sa Valenzuela na nadiskubre ang nilalaman nito.

Matatandaa­ng noong Disyembre 12, 2017, ipinag-utos ni Valenzuela RTC Branch 171 presiding judge Maria Nena Santos na i-dismiss ang mga kasong kriminal laban kay Tan at sa iba pang personalid­ad dahil umano sa “lack of jurisdicti­on.”

Ngunit ayon sa DoJ, mayroong jurisdicti­on ang Valenzuela RTC mula pa noong Nobyembre 24, 2017 na araw din kung kailan nito ipinag-utos ang ocular inspection sa mga nasabat na ilegal na droga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines