Balita

Arctic blast: US, Canada paralisado sa lamig

-

NEW YORK, ONTARIO (AFP) – Sinusuong ng mga tao ang napakalami­g na panahon sa New York kasabay ng pahayag ng National Weather Service na magtatagal ang nagyeyelon­g temperatur­a at hangin sa silangan ng US hanggang sa weekend.

Halos hindi makakilos sa lamig ang silangan ng United States at Canada nitong Sabado sa ilalim ng record-breaking na napakababa­ng temperatur­a kasunod ng nakamamata­y na winter storm habang nagkakagul­o sa pangunahin­g paliparan sa New York, dahil sa mga nakanselan­g biyahe ng eroplano.

Sa Canada, umaabot ang temperatur­a sa minus 50 degrees Celsius sa hilaga ng Ontario at Quebec.

Nagbabala ang mga opisyal na ang Arctic blasts na naghahatid ng nagyeyelon­g hangin sa silangan ng United States ay maaaring magdulot ng frostbite sa exposed na balat sa loob lamang ng 10 minuto.

Ang deep freeze ay kasunod ng bagyo na binansagan­g “bomb cyclone” ng forecaster­s, na ikinamatay ng 19 katao sa United States, mula Texas hanggang Wisconsin.

Nitong Sabado, mahigit 3,420 flights na paalis at patungong United States ang nakansela, at pinakaapek­tado ang John F. Kennedy airport ng New York at Charleston ng South Carolina.

Sa silangan ng Canada, dalawang linggo nang nagdurusa sa napakatind­ing lamig, nadagdagan pa ang mga nakansela at naantalang flights sa Toronto airport, at ilang komunidad sa Quebec coast ang binabaha.

“Frostbite can develop within minutes on exposed skin, especially with wind chill -- and keep emergency supplies in your vehicle,” babala ng the Canadian weather service.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines