Balita

5 drug personalit­ies laglag sa buy-bust

- Alexandria Dennise San Juan

Limang drug personalit­ies, kabilang ang mag- asawa, ang inaresto sa magkahiwal­ay na operasyon sa magkapareh­ong lugar sa Quezon City nitong linggo.

Unang bumagsak sa mga kamay ng Novaliches Police-Station 4 sina Ariel De Guzman, 52; at kanyang misis na si Rodora, 50, residente ng Barangay Sta. Monica, Novaliches, Quezon City.

Ayon kay station commander Superinten­dent Carlito Grijaldo, target si Ariel ng joint preoperati­on ng Quezon City Police District Drug Enforcemen­t Unit at ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency na nagpapakit­ang sangkot siya sa illegal drug trade.

Nang makumpirma nila ang ilegal na aktibidad ni Ariel, ipinadala ang mga miyembro ng PS-4 drug enforcemen­t unit sa bahay ng suspek sa loob ng Geronimo Compound, bandang 5:00 ng hapon upang magsagawa ng buy-bust operation.

Pumasok si Police Officer 1 Sherwin Bumagat, na nagpanggap na buyer, kasama ang kanilang informant, sa bahay ni Ariel kung saan sila nagkasundu­an.

Inutusan ni Ariel ang police poseur-buyer na ibigay ang bayad sa kanyang misis, si Roda. Sa transaksiy­on, agad inaresto ng mga pulis ang mag-asawa.

Labing- isang pakete ng hinihinala­ng shabu, ilang drug parapherna­lia, at P500 marked money ang nakuha mula sa magasawa.

Makalipas ang apat na oras sa nasabi ring compound, nagsagawa rin ng operasyon ang PS-4 antiillega­l drug operatives laban sa isang “Nine,” na sinasabing kilalang tulak ng droga sa Novaliches.

Gayunman, sa pagdating ng awtoridad sa bahay ng suspek, hinarap sila ng isang Sarah Baldon, kilala bilang “Pada,” 22, at isang Arvin Salandanan, kilala bilang “Taguro,” 18, dahil hindi umano makakapunt­a si “Nine” sa hindi batid na dahilan.

Sa gitna ng transaksiy­on, agad inaresto ng mga pulis ang dalawa, gayundin si Kevin Peralta, 22, ng Barangay Nova Proper sa Novaliches, na bumili ng droga kay Salandanan.

Nakumpiska mula sa mga inaresto ang 11 pakete ng hinihinala­ng shabu at marked money.

Mahaharap ang mga suspek sa drug-related charges habang nagsasagaw­a ng manhunt operations laban kay “Nine.”

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines