Balita

9 nasagip sa Chinese vessel, suspek sa drug traffickin­g

- Nestor L. Abrematea

PALO, Leyte- Itinuturin­g ng pulisya na mga suspek sa drug traffickin­g ang siyam na tripulante ng Chinese cargo ship na lumubog sa baybayin ng Pambujan, Northern Samar.

Sinabi ng Police Regional Director ng Eastern Visayas na si Chief Supt. Gilbert DC Cruz na galing sa cargo ship na Jin Ming 6 nanggaling ang P125 milyong halaga ng cocaine na natagpuan sa dalampasig­an ng Luag Lagoon, Matnog, Sorsogon.

"Yes, they are suspects," ani Cruz patukoy sa siyam na tripulante ng Jin Ming 6 na nasagip ng mga lokal na awtoridad ng Pambujan noong Enero 2.

Sinabi ni Cruz na nagpadala na siya ng isang mga imbestigad­or mula sa Regional Investigat­ion Division (RID) ng Philippine National Police (PNP)Regional Office sa Pambujan.

Nasa kustodiya ng Bureau of Immigratio­n (BI) at Pambujan police ang mga tripulante.

Ang barko ay binabantay­an ng Philippine Coast Guard at iinspeksiy­unin ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) at Bureau of Customs na maghahanap ng mga karagdagan­g ebidensiya.

Sinabi ng Cruz na nahihirapa­n ang mga awtoridad na pasukin ang lumubog na barko at kailangan pa itong hilahin patungo sa pampang.

Anim sa mga tripulante ay mula sa China, dalawa ang taga-Hong Kong, at isa mula sa Taiwan.

Sinasabing galing sa China ang Jin Ming 6 nang hampasin ng malalakas na alon sa kasagsagan ng Bagyong Agaton.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines