Balita

Sunog sa Metro Ayala Cebu baka 3 araw pa?

- Ni Kier Edison C. Belleza

CEBU CITY – Tinatayang tatagal ng dalawa o tatlong araw pa bago maapula ang sunog sa Metro Ayala Center Cebu na nagsimula Biyernes ng gabi.

Sa inilabas na statement, sinabi ng Metro Retail Stores Group Inc. (MRSGI) said may usok pa rin mula sa stock room ng mga laruan sa third floor ng gusali kung saan nagsimula ang sunog.

Umabot sa Task Force Bravo ang sunog.

Ayon kay Bureau of Fire Protection– Central Visayas Assistant Regional Director for Operations Supt. Rolando Orbeta na nahihirapa­n ang mga bumberong pasukin ang loob ng mall dahil sa kapal ng usok at kulang ang kanilang breathing apparatus.

“There is zero visibility inside and it’s really hot. What we did was to hammer portions of the façade of the building to let the smoke and heat out because once it is ventilated, from there we can penetrate,” ani Orbeta.

“When it comes to fire trucks and water resources, we do not have a problem. In fact, the Metropolit­an Cebu Water District has diverted its water concentrat­ion in this area,” dagdag niya.

Umabot sa 50 fire trucks mula sa mga kalapit na bayan ang rumesponde sa sunog.

Sinabi ng mall management na lahat ng mga parokyano at empleyado ay nailabas bago kumalat ang sunog, na nagsimula nang papasara na ang mall.

Sinabi ni Orbeta napigilan ng mga bumbero ang paglaki pa ng sunog. Hanggang kahapon ay hindi pa matiyak kung paano ito nagsimula.

“We still have to conduct an investigat­ion. We need to invite personnel from the mall, we need to get statements first,” saad ni Orbeta.

Sinabi ni Cebu City Police Office Director Sr. Supt Joel Doria na nagtalaga na siya ng mga pulis sa paligid ng mall upang mapigilan ang pagnanakaw o looting at kontrolin ang trapik.

Tinaas naman ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CCDRRMO) ang isang haze alert sa Cebu Business Park and mga karatig na lugar dahil sa usok mula sa sunog.

“Everyone living or staying near Cebu Business Park, who have cardiovasc­ular problem, are advised to temporaril­y evacuate or transfer to a safer area due to heavy hazardous or toxic fumes from the ongoing fire,” ayon kay CCDRRMO Chief Nagiel Bañacia.

Pinayuhan rin ni Bañacia ang mga nakatira barangay Kamputhaw, Luz, Hippodromo, Mabolo and Lahug sa paligid ng mall, lalo na ang mga may problema sa baga, na magpatingi­n sa health centers.

Umaabot sa 85,000 people ang dumaragsa sa mall kada araw, at umaabot ang bilang sa 135,000 tuwing Sabado at Linggo.

Sinabi ng Vincent Tomaneng, Corporate Secretary at Chief Legal Counsel of MRSGI, na titingnan ng management ang mga pangangail­angan ng mga empleyadon­g nawalan ng trabaho dahil sa sunog.

“The company will make the necessary arrangemen­ts in due time,” ani Tomaneng.

Binuksan naman ng social network site Facebook ang ‘Crisis Response’ feature nito kung saan maaaring makipag-ugnayan ang mga magkapamil­ya at magkaibiga­n tuwing may mga kalamidad na tulad ng sunog.

 ?? JUAN CARLO DE VELA ?? AWAT MUNA Sandaling nagpahinga ang mga bumbero mula sa iba’t ibang munisipali­dad mula sa Bereau of Fire Protection BFP-7 mula sa pag-apula ng sunog na tumupok sa Metro Ayala mall sa Cebu Business Park.
JUAN CARLO DE VELA AWAT MUNA Sandaling nagpahinga ang mga bumbero mula sa iba’t ibang munisipali­dad mula sa Bereau of Fire Protection BFP-7 mula sa pag-apula ng sunog na tumupok sa Metro Ayala mall sa Cebu Business Park.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines