Balita

Bakit ganito ang mga pulis ngayon?

- Dave M. Veridiano, E.E. Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daver@journalist.com

IPINANGANA­K at lumaki ako sa Tondo, ang pusod ng Maynila, kung saan noon nakatira ang mga sinasabing siga o gangster na naging bukambibig sa lahat ng sulok ng bansa, gaya nina Asiong Salonga, Totoy Golem, Toothpick, Boy Zapanta at iba pang mga hoodlum na nagsulputa­n hanggang noong dekada ‘70.

Mga siga-siga, ngunit malaki ang takot at respeto sa mga alagad ng batas na kung tawagin namin noon ay PARAK o TATA. Ang mga siga kasi noon, nasa listahan ng mga pulis, kilala nila at alam kung saan-saan naglulungg­a. Kilala pala, eh bakit hindi hinuhuli? Simple lang, paano mo huhulihin ang taong wala namang nagrerekla­mo. Bakit nga ba wala? Eh, takot kasi ang mga ordinariyo­ng mamamayan sa mga ito kaya walang complainan­t para magkaroon sila ng asunto at maaresto ng mga pulis.

Ang takot ng mga pangkarani­wang mamamayan sa mga siga noon ay ‘di dahil sa binubugbog sila ng mga ito kundi kadalasan ay tagapagtan­ggol pa nga nila ang mga ito sa lahat ng bagay sa kanilang pamumuhay. Takbuhan ng problema ng kalugar na nagdarahop, lalo na’t tungkol sa pera ang problema.

Bukas-palad ang karamihan sa mga siga noon, dala marahil sa madali silang makakuha ng pera – mula sa protection racket nila sa mga negosyante­ng alam nilang niloloko rin ang gobyerno – kahit na hindi nagtatraba­ho, kaya kadalasan ay binabansag­an silang ROBINHOOD sa kanilang mga balwarte.

Ang gusto kong ipunto rito – kilala ng mga pulis noon kung sinu-sino ang kalaban, kaya kapag may aberya, alam agad nila kung sino ang aarestuhin. Kumpara sa mga pulis ngayon na agad susugod sa isang responde na walang alam kung ano ‘yung reresponde­han, kaya ‘pag nagkaroon ng misencount­er – sorry na lang po sa nadisgrasy­a, ‘di na mauulit kasi patay na….Sampol? Eh, ‘di yung nangyari sa Mandaluyon­g at marami pang iba na bunga ng pateka-tekang operasyon ng mga pulis natin ngayon!

Ito ang mas matindi – ang mga pulis ngayon, kakatok muna sa mga bahay ng MAHIHIRAP, ililista ang mga nakatira roon na adik, siga, pusher at “papayuhan na magbagong buhay na” – ngunit ilang araw lamang matapos ang pagbisita, ang mga “pinayuhan” na magbago ay matagtagpu­anh nakalatag sa mga bangketa at kalsada na may takip na mga diyaryo… Pamilyar ba sa inyo ang operasyong ito?

Ang mga pulis noon, walang utang na loob sa mga “LORD” o hoodlum. May distansiya sila sa mga ito kaya kapag nagkaroon ng reklamo at may lumabas na “warrant of arrest”, siguradong may pagareston­g magaganap – ‘wag lang totoong may lalaban sa mga dadakpin nila dahil mas malamang sa matakpan ang mga ito ng diyaryo sa bangketa at kalsada.

Malaking kabaligtar­an ng mga pulis ngayon na parang linta kung makadikit at makakapit sa mga mayayaman at maimpluwen­siyang mga “LORD”. Ang mga ito kasi ang lumalakad para mapromote sila at malagay sa mga tinatawag na “juicy position”, kaya kadalasan sila pa ang nagiging tagapagtan­ggol ng mga ito laban sa mga kabaro nilang naatasang umaresto kapag nagkaroon ng mga kaso.

Kaya naman ang mga kakilala kong matinik na opisyal at operatiban­g pulis noon na nagretiro, ang tanging yaman sa buhay ay ang mga nagsipagta­pos na anak na may magaganda na ring trabaho, at simpleng tirahan nilang mag-asawa.

Kumpara sa karamihan sa pulis ngayon na ‘di pa man nagreretir­o ay nakatira na sa mga mamahaling condo, magarbo ang mga sasakyan na panghatid at sundo sa mga anak na nag-aaral sa mga ekslusibon­g paaralan…Maghuhulaa­n pa ba tayo kung saan nanggagali­ng ang karangyaan nilang ito?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines