Balita

‘Pusong Ligaw,’ huling linggo na

-

SAPAT na ba ang pag-ibig para muling mahanap ang tamang landas ng mga pusong ligaw?

Kumapit na sa pagtatapos na hindi dapat palampasin ngayong linggo sa hit afternoon serye na Pusong Ligaw at alamin ang kahihinatn­an ng kuwento nina Tessa ( Beauty Gonzales), Marga ( Bianca King), Caloy ( Joem Bascon), Ira ( Diego Loyzaga) at Vida ( Sofia Andres), mga pusong minsang nalihis ang landas dahil sa galit, inggit, at poot.

Tuloy pa rin ang paghahanap ng sagot nina Tessa at Caloy kung totoo bang sina Marga at Leon ( Albie Casino) ang tunay na may sala sa pagkamatay ng ina nina Tessa at Rafa. Nadagdagan pa ang kanilang tanong nang piliin ni Marga na magtago kaysa harapin ang mga kasalanang ibinibinta­ng sa kanya.

Hindi naman mapakali si Vida kung tatahimik lang siya o sasabihin kina Caloy at Tessa ang nalamang si Jaime ( Raymond Bagatsing) ang tunay na mastermind at pinaikot lamang nito sina Marga at Leon.

Puno man ng galit ang puso, unti-unti nang gumagaan ang loob ni Ira para kay Tessa sa nakikitang pagpupursi­ge ng ina.

Senyales na ba ito ng pagpapataw­ad niya sa ina? Ngayong muling inilagay ni Marga sa alanganin ang buhay nina Tessa at Caloy, may puwang pa ba ang kapatawara­n sa puso ni Tessa para sa dating kaibigan o tuluyan na niya itong ibabaon sa limot?

Huwag palampasin ang huling limang araw ng Pusong Ligaw pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

 ??  ?? ‘Pusong Ligaw’ cast
‘Pusong Ligaw’ cast

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines