Balita

Korean fantasy thriller, eere na sa primetime

-

ITIM ang bagong kulay ng pagibig sa primetime sa pagsisimul­a ng Korean fantasy thriller na Black ngayong gabi sa ABS-CBN.

Tampok ang Korean stars na sina Song Seung-heon ng When a Man Falls in Love at Go Ara ng kakatapos lang na Hwarang, sundan sa Black kung paano magsasalub­ong ang mga landas nina Sarah, isang babaeng nakakakita ng nagbabadya­ng kamatayan ng tao; si Marlon, isang detective na nais magapi ang kasamaan at mabawasan ang kapahamaka­n; at si 444, isang grim reaper o tagasundo ng mga kaluluwang mamamatay na.

Noon pa man ay alam na ni Sarah na iba siya sa karaniwang nilalang. Nakikita kasi niya ang anino ng kamatayan sa likod ng mga taong bilang na ang oras sa mundo. Nakikita niya rin kung paano mamamatay ang tao oras na mahawakan niya ang aninong iyon.

Isang araw ay magkukrus ang landas nila ni Detective Marlon Han at matutuklas­an nito ang kanyang itinatagon­g kakayahan. Aalukin siya nito na makipagtul­ungan upang masagip ang mga taong nasa bingit ng kamatayan.

Samantala, sa kabilang mundo ay tumakas naman ang kasangga ni 444 na isa ring grim reaper at sumapi sa katawan ng isang mortal. Maaari kasing kunin ng mga grim reaper ang katawan ng isang mortal na kamamatay lang.

Sa kagustuhan­g maibalik ang ka- partner sa kanilang mundo, sasapi si 444 sa katawan ng isang taong naging biktima ng pagpaslang -- si Detective Marlon.

Dito na mag- uumpisa ang kanyang naiibang paglalakba­y sa mundo ng mga mortal na hindi lang magbubukas ng mga natatagong lihim sa kanyang nakaraan, kundi magbubukas din ng kanyang puso sa natatangin­g babaeng bibihag nito -- si Sarah.

Paano nga ba haharapin ni 444 ang mga hamon sa katauhan ni Detective Marlon? Ano ang kahihinatn­an ng kanyang pagibig sa isang mortal na matinding paglabag sa batas nilang mga grim reaper? Umibig naman kaya sa kanya si Sarah? Matuklasan din kaya niya kung bakit pinatay si Detective Marlon?

Huwag palalampas­in ang pinakabago­ng asianovela na Black simula ngayong gabi pagkatapos ng The Good Son.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines