Balita

ULAN-PROOF

Traslacion uulanin sa hapon, Nazareno may kapote

- Nina LESLIE ANN AQUINO at MARY ANN SANTIAGO May ulat nina Ellalyn de Vera at Bella Gamotea

Sa gitna ng pabagu-bagong panahon at kasunod ng napaulat na malaki ang posibilida­d na umulan sa Maynila ngayong hapon hanggang gabi, pinagawaan ng sariling kapote ang Mahal na Poong Nazareno para sa maghapong Traslacion ngayong Martes. Ang espesyal na kapote at ipinasadya para sa imahen ng Nazareno ngayong taon sakaling umulan.

“Rain or shine the procession will push through,” sinabi kahapon ni Father Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church. “His raincoat is ready (sakaling umulan). It was specially made for Him.”

An iya , transparen­t ang kapote upang masilayan pa rin ng mga deboto ang imahen sakaling kailangani­n itong lagyan ng kapote kapag umulan.

Gayunman, sinabi ni Badong na hindi inulan ang Traslacion sa nakalipas na tatlong taon.

“In the past, when there is rain the image is just being wrapped in plastic so it’s not presentabl­e,” ani Badong. “It’s only this year that we thought of giving Him a raincoat because the Nazareno is also on a pilgrimage all throughout the year.”

Iniulat kahapon ng Philippine Atmospheri­c, Geophysica­l and Astronomic­al Services Administra­tion (PAGASA) na magiging maganda ang panahon sa Metro Manila, partikular sa Maynila, ngayong Martes bagamat may posibilida­d na umulan sa hapon hanggang gabi.

DAGSA SA PAHALIK

Samantalan­g, dinagsa kahapon ng libu-libong deboto ng Nazareno ang Pahalik 2018 sa Quirino Grandstand Maynila.

Batay sa taya ng Manila Police District ( MPD), umabot na sa halos 20,000 ang pumila sa Pahalik bandang 4:00 ng hapon kahapon, bisperas ng Traslacion.

Mahigit 6,000 rin ang dumalo sa hourly mass sa Quiapo Church.

Tiniyak na ng MPD at National Capital Region Police Office (NCRPO) ang seguridad sa Traslacion ngayong Martes.

CODE WHITE ALERT

Kaugnay nito, isinailali­m na ng Department of Health (DoH) sa code white alert ang mga pagamutan sa lungsod ng Maynila para sa Traslacion, at mananatili ito hanggang bukas.

Nagsagawa rin kahapon ng clearing operations kontra traffic obstructio­ns at illegal street vendors ang Metropolit­an Manila Developmen­t Authority (MMDA) sa mga ruta ng Traslacion, at 35 sasakyang ilegal na nakaparada sa Palanca Street, Kalaw at bahagi ng Roxas Boulevard ang na-tow.

 ?? ALI VICOY ?? SALAMAT PO SA LAHAT NG BIYAYA Kabilang ang mag-ina sa libu-libong deboto na matiyagang pumila sa Quirino Grandstand sa Maynila para makibahagi sa “Pahalik” sa Poong Nazareno kahapon.
ALI VICOY SALAMAT PO SA LAHAT NG BIYAYA Kabilang ang mag-ina sa libu-libong deboto na matiyagang pumila sa Quirino Grandstand sa Maynila para makibahagi sa “Pahalik” sa Poong Nazareno kahapon.
 ?? ALI VICOY ?? PANATA Libu-libong deboto ang pumila sa Quirino Grandstand kahapon para mahawakan at mahalikan ang paa ng Poong Nazareno, sa taunang “Pahalik”, bago ang Traslacion ngayong Martes.
ALI VICOY PANATA Libu-libong deboto ang pumila sa Quirino Grandstand kahapon para mahawakan at mahalikan ang paa ng Poong Nazareno, sa taunang “Pahalik”, bago ang Traslacion ngayong Martes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines