Balita

Biyahe ni Licuanan ireklamo –Palasyo

- Genalyn D. Kabiling

Handa ang Malacañang na imbestigah­an ang diumano’y madalas na pagbibiyah­e ni Commission on Higher Education (CHED) chair Patricia Licuanan kapag may naghain ng pormal na reklamo.

“The President always looks and investigat­es these reports. It would help if it is formally filed,” sabi ni Presidenti­al Spokesman Harry Roque sa news conference sa Palasyo.

Nauna rito ay inakusahan ni PBA party-list Rep. Jericho Nograles si Licuanan ng “travel binge” nitong nakaraang taon at pag-aapruba sa sarili nitong travel requests. Ayon kay Nograles, ito ay paglabag sa executive order na ang lahat ng opisyal ng Gabinete ay dapat na kumuha ng travel authority mula sa Pangulo.

Pinasinung­alingan ni Licuanan ang mga paratang ni Nograles, nilinaw na kumuha siya ng aawtoridad mula sa Office of the President para sa lahat ng kanyang mga biyahe, kabilang ang personal trips. “I issue travel authoritie­s for all CHEd officials, not for myself,” aniya.

Sa ngayon, ayon kay Roque, walang impormasyo­n laban sa mga biyahe ni Licuanan ang inihain sa Palasyo o natanggap sa Presidenti­al Management Staff (PMS).

“I’m not sure if there’s a complaint but I’m aware that Congressma­n Nograles recently spoke out against these trips,” aniya.

Samantala, tatlong presidenti­al appointees ang diumano’y iniimbesti­gahan ng Malacañang sa mga maling gawain.

Sinabi ni Roque, sa panayam sa telebisyon kahapon ng umaga, na tatlong reklamo ang natanggap ng Office of the President.

“The President always acts on complaints,” paniniyak ni Roque.

Tinatayang 30 tiwaling pulis, kabilang ang apat na colonel, ang nangangani­b na masibak, ayon kay Roque.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines