Balita

MOU para ‘di magamit sa droga ang TNVS lalagdaan

- Chito A. Chavez

Lalagdaan ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA), Land Transporta­tion Franchisin­g and Regulatory Board (LTFRB) at ng Transport Network Vehicle Services (TNVS) ang memorandum of understand­ing (MOU) bukas (Enero 10) para mapigilan ang paggamit sa public transport sa pagbiyahe ng mga droga.

Para makaiwas sa pagkakaare­sto, nakahanap ng bagong paraan ang mga sindikato ng droga para maipamahag­i at maihatid ang kanilang mga kontraband­o sa pamamagita­n ng mga driver ng ride sharing transport systems.

Walang kamalay-malay ang inuupahang TNVS drivers na ang inihahatid nilang bagahe ay mga droga.

Dahil sa mga insidenten­g ito, hinimok ni PDEA Director General ang TNVS drivers at operators na tiyaking mabuti na hindi sila magagamit para maghatid ng anumang kontrabado.

Sinabi ni Aquino na may karapatan ang operators ng TNVS gaya ng Grab at Uber na buksan muna ang mga package na ipinadala sa kanilang drivers bago tanggapin ang mga ito para makatiyak na hindi magamit ang kanilang mga driver bilang drug couriers.

“To Grab and Uber operators and drivers, please exercise due diligence to prevent your line of work from being tainted with involvemen­t with illegal drug activities,” ani Aquino.

Hinikayat ni Aquino ang Grab at Uber operators at drivers magsumbong sa mga awtoridad. “Report suspected packages directly to us,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines