Balita

232 dayuhang pugante nadampot, naipa-deport

- Mina Navarro

May kabuuang 232 dayuhang pugante ang naaresto ng Bureau of Immigratio­n (BI) noong 2017, makaraang magtago sa bansa upang maiwasan ang pag-uusig at sentensiya sa kani- kanilang bansa.

Ayon kay BI Commission­er Jaime Morente, nadagdagan ng 97 kaso ang bilang ng mga naarestong dayuhan noong nakaraang taon kaysa noong 2016, na nakapagtal­a naman ng 135 kaso.

Sinabi ni Morente na naaresto ang mga dayuhan sa iba’t ibang operasyon na ikinasa ng mga operatiba ng BI Fugitive Search Unit (FSU) sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Aniya, lahat ng nahuling pugante ay ipina- deport na at doon na nakabilang­go.

“They were also placed in our blacklist of undesirabl­e aliens to make sure that they do not return to the Philippine­s and pose a risk to our public safety and security,” anang BI chief.

Nabatid na ilan sa mga nahuling pugante ay nabibilang sa “high-value targets” dahil sa bigat ng kinahahara­p nilang krimen.

Kabilang sa kanila si Hussein Aldhafiri, bomb maker sa Kuwait at hinihinala­ng miyembro ng ISIS, na naaresto sa Taguig City noong Marso.

Kasabay niyang naaresto si Rahaf Zina, Syrian na umano’y biyuda ng namatay na si Abu Jandal, dating ISIS leader sa Iraq.

Napag- alaman na sa 232 dayuhan, 178 ang naaresto sa bisa ng mission order na inilabas ni Morente, habang ang 41 ay sa bisa ng subject of deportatio­n warrant, na inilabas alinsunod sa kautusan ng BI board of commission­ers. Ang iba naman ay nakabalik, sumuko o naharang sa mga paliparan.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines