Balita

Panata at kapistahan ng Black Nazarene

- Clemen Bautista

ANG ika-9 ng buwan ng Enero ay isang mahalaga at natatangin­g araw para sa mga taga-Quiapo, Maynila sapagkat ipinagdiri­wang nila ang kapistahan ni Nuestro Padre Jesus Nazareno, na higit na kilala sa tawag na Black Nazarene dahil sa kulay nito.

Sa pagsapit ng Enero 9, daanlibong deboto ng Black Nazarene ang lumalahok sa Traslacion o Prusisyon ng Black Nazarene, na nagsisimul­a sa Quirino Grandstand pagkatapos ng misa. Ngayong 2018, ayon sa mga namamahala ng kapistahan ng Black Nazarene, inaasahang aabot sa 19 na milyong deboto ang lalahok sa Traslacion.

Ang pagdiriwan­g ng Kapistahan ng Black Nazarene ay sinimulan ng siyam na araw na nobena-misa, mula Enero 1 hanggang Enero 8, sa Minor Basilica ng Quiapo, ang shrine o dambana ng Black Nazarene. Pagkatapos ng nobenamisa, inaawit ng mga deboto ang awit-dasal sa Black Nazarene na sinulat ng National Artist na si Maestro Lucio D. San Pedro.

Noong umaga ng ika-7 ng Enero, tampok na bahagi ng pagdiriwan­g ang prusisyon ng mga replica ng Black Nazarene. Aabot sa 400 replica ng Black Nazarene ang isinama sa prusisyon at libu-libo namang deboto ang lumahok sa prusisyon, na nagmula sa iba’t ibang lungsod ng Metro Manila, lalawigan ng Rizal, Bulacan, Batangas, Hilagang Luzon at iba pang panig ng iniibig nating Pilipinas. Naging bahagi rin ang pahalik ng mga deboto sa imahen ng Black Nazarene.

Kabilang sa mga ginawang paghahanda sa Kapistahan ng Black Nazarene ay ang deployment ng libu-libong pulis ng National Capitol Region Police Office ( NCRPO) upang pangasiwaa­n ang seguridad ng Traslacion o Prusisyon ng Black Nazarene.

Naglagay din ng 12 prayer station sa iba’t ibang lugar na daraanan ng prusisyon at ipinagbawa­l ang pagdadala ng baril sa Metro Manila sa loob ng dalawang araw. Ang gun ban ay simula sa hatinggabi ng Lunes (Enero 8) hanggang 5:00 ng madaling-araw ng Enero 10. Ipinagbawa­l din ang pagbebenta at pag-inom ng alak sa layong 200 metro mula sa ruta o daraanan ng Traslacion.

Ang Traslacion o Prusisyon ng Black Nazarene ay nagiging parang dagat ng tao dahil sa dami ng mga debotong kasama sa prusisyon. At marami sa mga ito ang tapak o walang sapin sa paa. May nagwawagay­way ng puting panyo at tuwalya habang dumaraan ang prusisyon. May naghahagis ng mga puting panyo sa imahen ng Black Nazarene. Sasaluhin naman ito ng mga lalaking nasa andas ng Black Nazarene at matapos ipunas sa krus, inihahagis pabalik sa pinagmulan ang ibinatong panyo. May mga deboto rin ng Black Nazarene na nakasuot ng damit na kulay purple o violet tulad ng kulay ng damit ng Black Nazarene.

Ang imahen ng Black Nazarene, ayon sa kasaysayan, ay binili ng isang pari sa Mexico at dinala sa Pilipinas noong 1606. At mula noong 1767, inilagak ang imahen sa simbahan na parokya ni San Juan Bautista, ang patron ng Quiapo District, nang maitayo ang simbahan noong 1586, ng mga paring Pransiskan­o. Noong una’y yari sa pawid at kawayan ang simbahan na naging yari sa bato noong 1899. At nang masunog noong 1929, muling itinayo ang simbahan noong 1930.

Ang Quiapo ay naging sentro ng debosyon dahil sa mapaghimal­ang imahen ng Black Nazarene. Maraming nagsisimba tuwing Biyernes. Marami ring nagdarasal at lumalakad nang paluhod sa harap ng simbahan na bahagi ng Plaza Miranda, na naging sentro din ng mga pagtitipon tulad ng political rally.

Hindi malilimot na bahagi na rin ng kasaysayan ang Plaza Mranda bombing. Maraming namatay at nasugatan sa mga kandidato ng Liberal Party na nagdaos ng kanilang miting de avance roon.

Sa ngayon, nagbagong-anyo na ang Quiapo. Naging pook na rin ito ng mga kapatid nating Muslim. May sarili na silang mosque at pookdalang­inan.

Ang kapistahan ng Quiapo at ang panata sa Black Nazarene ay bahagi na ng tradisyong Pilipino. Anuman ang maging kahulugan at pagkaunawa ng iba nating kababayan, ang diwa nito’y nagpapatib­ay ng pagkakaisa ng pamayanan. Malinaw na nagpapakit­a ng pananalig at pagibig sa Diyos.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines