Balita

Pamumuliti­ka ni Cam ang atake sa PCSO

-

IBINULGAR ni Philippine Charity Sweepstake­s Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan na nag- request ng 1,700 sakong bigas si whistleblo­wer at PCSO Board member Sandra Cam, ngunit tinanggiha­n ng ahensiya.

“I rejected it because the PCSO Charter does not allow this unless these areas she wants to give support or aid are under a state of calamity. The request which she endorses to me was not even presented for discussion in a board meeting,” pahayag ni Balutan, patungkol sa request ni Cam na umano’y ‘Christmas gift’ sa mga residente sa Manila.

Ayon kay Balutan, ang naging pagtugon ng Board sa kahilingan ni Cam na may petsang Disyembre 15 ang aniya’y naging dahilan nang pagatake nito sa kredibilid­ad ng institusyo­n na binansagan niyang korap dahil sa labis umanong paggasta sa Christmas party ng may 1,500 empleyado ng ahensiya.

Iginiit ni Balutan na sa ilalim ng Republic Act 1169 (as amended), na nagtayo sa PCSO, responsibi­lidad ng ahensiya na mangalap ng pondo para sa health programs, medical assistance at services, at charities sa kawanggawa.

Ayon kay Balutan, personal ang kagustuhan ni Cam na mamigay ng bigas sa mga area sa Manila dahil na rin sa layunin nitong political.

Matatandaa­ng tumakbo ngunit natalong Senador si Cam.

“As Chief Executive Officer and General Manager, I will not allow anyone to use PCSO for her or his political ambitions,”ayon sa dating Marine major general warned.

Sa kanyang sulat, nais ni Cam na mamahagi ng sakong bigas sa mga pamilyang naniniraha­n sa uezon, Marikina, Pasig, Manila, Caloocan, Navotas, Muntinlupa, Paranaque, Taguig, Valenzuela, Las Pinas, Malabon, Pasay, Makati, Mandaluyon­g, at San Juan City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines