Balita

MARKA NI LA!

Tenorio, pasok sa Top 15 All-time Assist leader

- NI ERNEST HERNANDEZ

SA loob ng 12 season, kaliwa’t kanang parangal ang natanggap ni Ginebra San Miguel playmaker LA Tenorio. Sa pagsisimul­a ng PBA Philippine Cup, may panibagong marka na naiukit sa kanyang pangalan.

Napasama ang 6-foot-2 Kings guard sa Top 15 alltime assists leaders sa liga matapos makapagtal­a ng pitong assists sa 104-97 panalo ng Ginebra kontra sa GlobalPort Batang Pier nitong Linggo.

May kabuuang 2,278 assists ni Tenoroa para lagpasan si Alex Cabagnot sa ika-12 puwesto.

Napabilang si Tenorio sa listahan ng mga pamosong player, sa pangunguna ni basketball living legend Robert Jaworski (5,825). Kasunod niya sa top 5 sina Ramon Fernandez (5,220), Dindo Pumaren (4,043), Johnny Abarriento­s(3,757) at Jimmy Alapag (3,406).

Nasa listahan din sina Willie Generalao, Ronnie Magsanoc, Philip Cezar, Olsen Racela, Francis Arnaiz, Bernie Fabiosa, Alex Cabagnot, Atoy Co at Ricardo Brown.

“15th, ibig sabihin tumatanda na ako. ‘Yun ang ibig sabihin nun,” pabirong pahayag ni Tenorio.

“To be honest, hindi ko rin alam at hindi ko rin ine-expect na makukuha yung milestone na ganoon. Hindi ko rin siya trina-track down.”

Gayunman, ang panibagong parangal ay inaasahang magdadagda­g ng lakas at katatagan kay Tenorio upang higit na pagibayuhi­n ang laro sa Kings.

“I’m very honored. For, it’s a blessing. It is an achievemen­t parang the more gusto mo pang increase o pakita ang kaya mong gawin.”

Tunay na napakahala­ga sa koponan ang pagkakaroo­n ng point guard na tulad ni Tenorio.

“Especially as a point guard, siyempre tinitignan yang assists, kung paano mag-deliver, kung paano to make your teammates look good every game,” pahayag ng tinagurian­g ‘Tenyente’.

“The more pagbubutih­an ko especially for the team. I’m a point guard na hindi naman talaga really looking to score. I’m a point guard really looking to set up,” aniya.

Sa edad na 33, umaasa si Tenorio na mahihigita­n pa niya ang naturang mga numero.

“Magandang achievemen­t para sa akin ito but again, sana hindi mag-stop dito. I will continue to be more aggressive in the game.”

“I’m very thankful and honored to be part of the top 15. Sino-sino ba nasa top 15? Malamang nandyan si Johnny, si Olsen – maging member of that group and still playing diba?” aniya.

Target niya na mapabilang sa top 5 bago maisabit ang kanyang jersey.

“Top 10? Maybe. We will see. Ma-aabot ko naman iyan siguro. Basta every game continue lang ako maglalaro. Dasal lang tayo na walang injury,” pahayag ni Tenorio.

 ?? RIO DELUVIO ?? GREGZILA! Naglambiti­n ni Greg Slaughter ng Ginebra matapos isalpak ang two-handed dunk sa fast break ng laro kontra Globalport sa PBA Philippine Cup.
RIO DELUVIO GREGZILA! Naglambiti­n ni Greg Slaughter ng Ginebra matapos isalpak ang two-handed dunk sa fast break ng laro kontra Globalport sa PBA Philippine Cup.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines