Balita

Juday at Gladys, may inggit sa isa’t isa

- Ni JIMI ESCALA

MAY kinaiinggi­tan pa rin hanggang ngayon si Judy

Ann Santos kay Gladys Reyes, ang makinis niyang kaibigan.

Ayon kay Judy Ann, maging noong magkakilal­a sila noong maliliit pa sila ay ang kakinisan ng kutis na ni Gladys ang una niyang tinitigan. Kaya hangang ngayon may pagkainggi­t siya sa flawless na kutis nito.

“Sobrang pantay ‘yan from headto-toe. Kahit sino naman, eh, ang kutis agad ang unang mapapansin nila kay Gladys. Kahit na ‘yung kilikili, niya, eh sobrang puti,” sey ni Judy Ann.

Noon pa naman ay binabanggi­t na ni Gladys ang sekreto sa likod ng makinis na kutis niya, kalamansi!

Samantala, tuwang- tuwa si Gladys na tuluy-tuloy ang bonding nila ngayon ni Juday. Madalas pala silang nagkikita ngayon at wala nang putol ang pag-uusap nila.

Ayon naman kay Gladys kung sa kutis niya naiinggit si Juday, naiinggit naman siya sa galing nito sa pagpapatul­o ng luha. Bilib na bilib siya sa pagpapatul­o ng luha ng kaibigan.

“Sasabihin pa lang ng direktor sa kanya na dapat iiyak at tutulo ang luha niya sa eksena, eh, umiiyak na si Judy Ann, at tuluy-tuloy na ang agos ng luha ng niya,” sey ni Gladys.

Umaasa si Gladys na magkakaroo­n uli sila ng pagkakatao­n na magsama ni Judy Ann Santos sa telebisyon man o sa pelikula. More than willing siya na muling maging kontrabida ni Juday.

“Pero sana this time, eh, medyo ibang level na ang pagiging kontrabida ko sa kanya. Kumbaga, tapos na kami sa sampalan, at kung anik-anik pa na sakitan, sana kung magkaroon man kami ng project ulit, eh, medyo kakaiba naman sana,” saad pa ng asawa ni Gladys.

 ??  ??
 ??  ?? Gladys at Judy Ann
Gladys at Judy Ann

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines