Balita

Rhian, ‘di totoong walang underwear sa pictorial

- Rhian Ni NITZ MIRALLES

MAY panty naman pala si Rhian Ramos sa loob ng black gown na suot niya sa publicity photos sa The One That Got Away (TOTGA).

Trending at pinag-usapan kasi ng netizens kung may suot na panty si Rhian sa black gown na isinuot niya sa pictorial nila ni Dennis Trillo dahil bukas ang magkabilan­g gilid at kita ang tagiliran niya mula sa may kilikili hanggang sa talampakan.

Sabi ni Rhian, mataas ang panty na suot niya, kaya hindi nakita sa awang ng down niya. Bagay sa ganoong gown ang underwear niya at nabanggit na may iba’t ibang klase ng underwear for a specific dress.

Anyway, si Rhian ang may pinakabong­gang outfit sa kanilang tatlo nina Lovi Poe at Max Collins. Para bang tuwing lalabas siya sa eksena, laging pangabog ang suot at bago tingnan ang mukha, ang suot na damit muna ang pagtutuuna­n ng pansin.

“It’s because of my role. As Zoe, I’m, a swimwear designer, a blogger, kikay, no care in the world. I’m enjoying my role, nalalabas ko ang freedom na gusto natin. But because we’re guarded in real life, hindi nati nagagawa ang gusto nating gawin. But as Zoe, I’m free to do what I like at ang sarap palang maging free,” wika ni Rhian.

Si Rhian bilang si Zoe ang third ex-girlfriend ni Liam (Dennis) sa TOTGA. Hiwalay ang parents niya kaya si Liam ang naging pseudo-family niya. Possessive GF siya at ang pagiging busy ni Liam ang rason ng breakup nila.

In real life, into a happy relationsh­ip si Rhian with a non-showbiz guy, pero wala pa silang balak magpakasal.

“Matagal pa bago ako mag-asawa. Mga eight years pa. I’m 27 years old now and eight years from now, I’ll be 34, right age to get married. Hindi ako nagmamadal­i,” wika ni Rhian.

Subaybayan na lang muna natin ang search for love ni Rhian as Zoe sa TOTGA simula sa January 15, pagkatapos pag ng Kambal Karibal. Mula ito sa direction nina Mark Mar dela Cruz at Rado Peru.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines