Balita

Rich suitor ni Erich, kilala na

- Ni REGGEE BONOAN

AYAW i- identify nina Kris Aquino at Erich Gonzales ang masugid na manliligaw ng dalaga na galing sa buena familia nang mainterbyu namin sila last week pagkatapos ng block screening ng

Siargao movie. Panay ang iling ni Erich nang kulitin namin sa pangalan ng lalaki. “Saka na!” mariing sabi sa amin. Pagkatapos ng heavy merienda sa bahay ni Kris ay nagmamadal­ing umalis si Erich na may lakad pa raw.

Kaya si Kris naman ang binalingan namin tungkol sa pagkakakil­anlan ng lalaki, pero deadma ang ate ng dalaga.

“Hintayin na lang nating siya ang magsabi, ayaw ko namang sa akin manggaling,” saad ng Queen of Online World and Social Media. Pero nang magtanong ang mga katoto kung Chinese o Chinoy, hindi raw. Sa madaling salita, dugong Spanish/ European o Amerikano ang guy na sinasabing kabilang sa 20 richest family in the Philippine­s. Hanggang sa nitong nakaraang weekend ay may nagbulong sa amin na may dugong Espanyol ang pamilya ng manliligaw ni Erich. Ang binanggit na pangalan sa amin ay Mateo Lorenzo, nagtapos ng kursong BS Management Engineerin­g sa Ateneo de Manila University noong 2014 at tumutulong sa family business nilang Pancake House (na siya rin ang image model), Dencio’s, Terriyaki Boy, Sizzlin’ Pepper Steak, Kabisera ng Dencio’s, Le Coeur de France, Yellow Cab at Chicken Rice Shop. Kabilang din ang pamilya ni Mateo sa may- ari ng Lapanday Foods Corporatio­n na supplier/ exporter ng cavendish banana at pinya sa Asia Pacific at Middle East bukod pa sa ibang negosyo sa Davao at Bukidnon. Tsika pa sa amin, labindalaw­ang magkakapat­id sina Mateo, walong lalaki at apat na babae na hindi yaya ang nag-alaga noong maliliit sila dahil mismong mga magulang ang nagpalaki. Mahilig sa sports ang magkakapat­id na lalaking Lorenzo at si Mateo ay isang equestrian at polo player na madalas mag-ensayo sa Manila Polo Club. Twenty- four years old na si Lorenzo kaya mas matanda sa kanya ng three years si Erich.

 ??  ??
 ??  ?? Erich at Kris
Erich at Kris
 ??  ?? Matteo
Matteo

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines