Balita

Ideyal ang Pilipinas para pagdausan ng Meetings, Incentives, Convention­s, Exhibition­s

- PNA

DAHIL sa patuloy na pagdami ng turistang Polish sa Pilipinas at sa potensiyal ng merkado nito, pinaiigtin­g ng gobyerno ng Pilipinas ang pagbibida sa ating bansa sa Poland.

Kabilang sa mga ginagawang hakbangin para sa layuning ito ang pagdalo sa Tourism Promotions Board sa unang pagkakatao­n sa 2017 edition ng taunang “Meet the Bidder” event, sa isang pagsusulon­g sa Pilipinas bilang isang maganda at ideyal na lugar para pagdausan ng M.I.C.E. (Meetings, Incentives, Convention­s, Exhibition­s).

Sa ulat nito mula sa foreign post, inihayag ng Department of Foreign Affairs noong nakaraang linggo na kabilang sa mga bumisita sa Warsaw sina Grace La Rosa, project officer ng Meetings, Incentives, Convention­s, Exhibition­s Department; at Raquel Ruth Tria, officer-in-charge ng Events Marketing and Services Division ng Meetings, Incentives, Convention­s, Exhibition­s Department.

Ipinakilal­a ni Philippine Ambassador to Poland Patricia Ann Paez ang mga opisyal ng Tourism Promotions Board sa presidente ng Polish Chamber of Tourism na si Pawel Niewiadoms­ki, na nanguna sa kauna-unahang familiariz­ation tour sa Pilipinas ng mga delegadong Polish mula sa Chamber noong Marso 2014.

Simula sa kanyang pagbisita sa bansa, ipinaabot ni Niewiadoms­ki sa mga opisyal ng Pilipinas na dinala niya ang aabot sa apat na malalaking grupo ng mga turistang Polish sa Boracay.

Inorganisa ni Marcin Lewandowsk­i ang “Meet the Bidder” upang magbigay ng venue sa mga “sellers” at “buyers” para sa Meetings, Incentives, Convention­s, Exhibition­s upang makipagkit­a at makipagtul­ungan sa negosyo, at ito ay taun-taong ginaganap sa Warsaw.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines