Balita

Husay ni Digong vs Noynoy matagal nang ‘fact’

- Nina ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS, BETH CAMIA at ELLALYN DE VERA-RUIZ

Sinabi ng Malacañang na sinusuport­ahan lamang ng resulta ng bagong survey ng Social Weather Stations (SWS) katotohana­ng dati nang alam ng publiko – na mas mahusay si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte kaysa sa kanyang sinundan.

Ito ang ipinahayag ni Presidenti­al Spokespers­on Harry Roque kasunod ng paglabas ng 2017 fourth quarter report ng SWS na nagpapakit­ang 70 porsiyento ng mga Pilipino ay naniniwala­ng mas mahusay si Duterte kaysa kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sa nasabing survey, 22% ang nagsabing pantay lamang ang dalawang pangulo sa kanilang performanc­e bilang pinakamata­as na opisyal ng pamahalaan.

Walong porsiyento ang nagsabing mas mahusay si Aquino kaysa kay Duterte.

“I think that survey already proves what we already know as a fact,” sabi ni Roque sa press briefing sa Palasyo kahapon.

Sumagot din si Roque sa parehong ulat na nagpapakit­ang 69% ng mga Pilipino ang naniniwala­ng ang mga aksiyon ni Duterte ay mas naaayon para sa isang Pangulo.

Samantala, 86% ng 1,200 respondent­s ang naniniwala rin na dinadala ni Duterte ang bansa sa tamang direksiyon.

“Incidental­ly, in addition to the 70 percent who believes that he is a better President, 86 percent still believes that he is taking us on the right direction. That is, again, a fact,” ani Roque.

Isinagawa ng SWS ang survey noong Disyembre 8 hanggang 16, 2017, at tinanong ang respondent­s: “Kung ikukumpara ang pagganap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang tungkulin mula Hulyo 2016 sa pagkaganap ni dating Pangulong Aquino mula Hulyo 2010 hanggang Hulyo 2016, masasabi n’yo ba na, “PRRD is better”, “the same”, “PNoy is better”?

Natutuwa rin ang Malacañang sa resulta ng huling survey ng Pulse Asia na nagpapakit­a na si Duterte pa rin ang pinaka-pinagkakat­iwalaan at pinakagust­ong opisyal ng pamahalaan. Batay sa 2017 fourth quarter survey ng Pulse Asia, tumanggap si Duterte ng pinakamata­as na approval na 80%, at pinakamata­as na trust level na 82%, sa hilera ng limang pinakamata­taas na opisyal ng bansa.

Ayon kay Roque, pinatutuna­yan lamang ng resulta ng survey na natutuwa ang mga Pilipino sa ginagawa ng Pangulo para sa bansa. Tiniyak niya patuloy na gagawin ni Duterte ang kanyang mga tungkulin ngunit nanawagan sa publiko na tulungan ang Pangulo sa mga pagsisikap nito.

Kabilang sa top government officials sina Chief Justice Maria Lourdes Sereno na nakakuha ng pinakamata­as na disapprova­l at distrust ratings (26% at 33%, ayon sa pagkakasun­od).

Bumagsak ang approval rating ni Sereno mula 35% sa third quarter sa 31% sa fourth quarter. Bumaba rin ang kanyang trust rating mula 31% sa 27% sa kasalukuya­n.

Patuloy namang nasisiyaha­n ang maraming Pinoy sa mga ginagawa ni Vice President Leni Robredo (tumaas sa 59% mula 57%) at Senate President Aquilino Pimentel III (57% mula 55%) sa last quarter ng 2017.

Pinagkakat­iwalaan din ng mga Pilipino sina Robredo (58% mula 55%) at Pimentel (53% mula 52%).

Samantala, si Speaker Pantaleon Alvarez ay halos magkapareh­o lang ang approval at indecision ratings (42% versus 37%), gayundin sa trust at indecision scores (37% versus 43%).

 ??  ?? Aquino
Aquino
 ??  ?? Duterte
Duterte

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines