Balita

Rhian, exclusive pa rin sa GMA

- Ni NORA CALDERON

NATAWA si Rhian Ramos nang tanungin kung totoong umalis na siya sa GMA Network, kaya hindi siya binibigyan ng bagong project. Ang huli pa kasi niyang Kapuso serye ay ang Sinungalin­g

Mong Puso a year ago. “No, I’m still with GMA, may exclusive contract ako sa kanila,” sagot ni Rhian. “Kaya lang ako ‘yung hindi basta tumatangga­p ng project kung hindi ko alam na bagay sa akin. Kaya I’m thankful sa GMA ngayong ‘binigay nila sa akin ang The One That Got Away dahil naiiba naman ang story at nasa primetime block pa. Saka noon namang wala akong ginagawa, in-enjoy ko ang vacation ko. May ginawa rin akong indie film last year, ang Fall Back with Zanjoe Marudo. I did some episodes

of Taste Buddies with Solenn Heussaff sa GMA News TV.” Inamin ni Rhian na habang wala siyang project ay nagbusines­s siya. Hindi naman daw kasi siya maluhong tao, hindi siya mahilig gumastos, iniipon lang niya ang kinikita niya sa business.

Hindi rin niya inililihim na may non-showbiz boyfriend siya, pero wala pa raw silang balak magpakasal.

“Siguro, mga eight years pa, napag-uusapan naman namin ng boyfriend ko at hindi niya ako minamadali. Naniniwala naman ako sa kasal, pero hindi pa ako ready na nagpakasal ngayon, malalaman din ninyo if magdecide na akong magpakasal.”

Masaya si Rhian na kasama niya ang friends niyang sina Lovi Poe at Max Collins sa The One

That Got Away. Ang saya raw nila lagi sa set, lalo na kapag may eksena silang magkakasam­a, each one fighting para muling bumalik sa kanila si Dennis Trillo na parepareho nilang naging boyfriend noon.

Sino ba si Sophia Elizabeth “Zoe” Velasquez, ang character na gagampanan niya?

“Si Zoe ay isang swimwear designer at blogger. Lagi siyang out for fun dahil ang parents niya ay separated noong bata pa siya kaya si Liam ( Dennis Trillo) ay naging parang pseudo- family niya. Pero napaka-possessive ni Zoe at hindi niya gusto ang busy schedule ni Liam kaya nasira ang kanilang relasyon at naghiwalay sila. Pero since their break-up, nagsisi na si Zoe at nangako siyang gagawin niya ang lahat para bumalik sa kanya si Liam.”

Magkakaroo­n ng relasyon si Zoe kay Gael Makalintal ( Jason Abalos) na kapatid naman ni Alex

( Lovi Poe), isa pang ex-girlfriend ni Liam.

Ang The One That Got Away ay mapapanood na simula sa Monday, January 15, sa GMA 7, pagkatapos ng Kambal Karibal.

 ??  ?? Rhian
Rhian

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines