Balita

Amber Rose, hindi binatikos ni Wiz Khalifa

- Cover Media

NANGAKO si Wiz Khalifa na hinding-hindi na siya magsasalit­a ng masama laban sa kanyang ex-wife na si Amber Rose, sa radio freestyle challenge kamakailan, dahil may pagpapahal­aga pa rin sila sa isa’t isa.

Naghiwalay ang Black and Yellow hitmaker at ang model noong 2014, isang taon makaraang magpakasal, ngunit nanatili silang magkaibiga­n upang maging magulang ng kanilang apat na taong gulang na anak na si Sebastian, na may respeto sa isa’t isa.

Pinatunaya­n ni Wiz na wala siyang ibang damdamin kay Amber kundi pagmamahal, sa kanyang paglabas sa Los Angeles Big Boy radio personalit­y show nitong nakaraang linggo at hinamon na magsampol ng ilang rhymes tungkol sa bald beauty bilang bahagi ng Flashcard Freestyle segment.

Tinanggap ng hip-hop star ang hamon, ngunit nilinaw sa kanyang mga liriko na hindi niya tutukuyin o tatalakayi­n ang gossip blogs sa pambabatik­os kay Amber.

Kasabay ng instrument­al ng awitin ni Bruno Mars na That’s What I Like, aniya, “I don’t want no drama/ Why you gotta bring up my baby mama?/Well damn, I suppose/I’ma freestyle about Amber Rose/She’s bald head, she’s got my kid/We was married, yes, we did/I still love her, she love me too/You think I’ma talk bad about her, you’re through/I never will, that’s the mother of my kid/I’m right here, I’m doing it with Big/And I ain’t worried about these hoes/ Because my baby mother is Amber Rose.”

Nakamove- on na ang dalawang bituin sa hiwalayan -- si Wiz ay usapusapan­g karelasyon ngayon ng model na si Izabela

Guedes, samantalan­g si Amber, 34, ay karelasyon naman ang isa pang rapper na si 21 Savage.

 ??  ?? Wiz at Amber
Wiz at Amber

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines