Balita

Women empowermen­t, namayani sa ‘black’ Golden Globes

- AP

NAKULAYAN ng itim ang red carpet sa pagkakaisa ng mga aktres na magsuot ng iisang kulay Golden Globes, na naging A-list expression ng female empowermen­t sa post- Harvey Weinstein era sa pangunguna ni Oprah Winfrey.

“For too long women have not been heard or believed if they dared to speak their truth to the power of those men,” sabi ni Oprah, nang tanggapin ang kanyang Cecil B. DeMille Award for lifetime achievemen­t. “But their time is up. Their time is up!”

Higit kaysa anumang award na ipinamahag­i kahapon sa Beverly Hilton Hotel sa Beverly Hills, California, ang pag-akyat sa entablado si Oprah – na sinalubong ng palakpakan, standing ovation at ikinaluha ng maraming dumalo at nanonood sa telebisyon -binalot ng “Me Too” mood ang hindi pangkarani­wang okasyon ng Golden Globes. Ang gabi ay nagsilbing fullest response ng Hollywood sa sexual harassment scandals na yumanig sa film industry at nagsiwalat sa gender inequaliti­es.

“A new day is on the horizon!” wika ni Oprah, na binanggit ding siya ang unang black woman na bibigyan ng naturang parangal.

Matalim ang mga mata, sinundan ng presenter na si Natalie

Portman ang talumpati ni Oprah sa pagpapakil­ala sa “the all- male” nominees for best director.

Ang pelikula, na itinuring ng marami na pinakadire­ktang nagsasalit­a tungkol sa scandal – ang revenge dark comedy na Three Billboards Outside Ebbing, Missouri, tungkol sa ina na ipinaghihi­ganti ang panggagaha­sa at pagpatay sa kanyang anak na babae – ang nangunang pelikula ng gabi. Nanalo ito ng best picture, drama, best actress para kay Frances

McDormand, best supporting actor para kay Sam Rockwell at best screenplay para sa writerdire­ctor na si Martin McDonagh.

Binigyan ni Frances ng natatangin­g pakiramdam ang gabi. “Trust me, the women in this room tonight are not here for the food,’’ aniya. Binuksan ng host na si Seth

Meyers ang gabi sa agarang pagbanggit sa isyu ng sex scandals. “Good evening ladies and remaining gentlemen,” simula niya. Sa punchlines kina Weinstein -- ``the elephant not in the room’’ -

Kevin Spacey at malalim na gender biases sa Hollywood, nagpatawa si Meyers, at pinakalma ang mga nasa loob ng ballroom.

“For the male nominees in the room tonight, this is the first time in three months it won’t be terrifying to hear your name read out loud,” biro niya.

Ang unang award ng gabi ay napunta sa isa sa Hollywood’s most powerful women: si Nicole

Kidman, para sa pagganap niya sa The Big Little Lies ng HBO, isang serye na co- produced nila ni Reese Witherspoo­n. Itinaas ni Nicole ang panalo sa “the power of women.”

Nanalo rin ang Big Little Lies ng apat pang awards, kabilang ang best limited series at best supporting actress para kay Laura

Dern. Gaya ng pito pang ibang female stars, naglakad si Laura

sa red carpet kasama ang isang women’s rights activist bilang bahagi ng pagsisikap na panatilihi­n ang Globes spotlight sa isyu ng sexual harassment. Sinamahan si Laura ng farmworker advocate na si Monica Ramirez, si Michelle

Williams kasama ang “Me Too’’ founder na si Tarana Burke, at si

Meryl Streep kasama ang domestic worker advocate na si Ai- jen Poo.

“May we teach all of our children that speaking out without fear of retributio­n is our new North Star,’’ sabi ni Laura nang tanggapin ang kanyang Globe.

Inialay ni Elisabeth Moss, ang award sa kanyang pagganap sa

The Handmaid’s Tale kay Margaret Atwood na sumulat ng librong pinagbatay­an ng palabas, at sa kababaihan. Nanalo rin ang The Handmaid’s Tale bilang best TV series, drama. “We no longer live in the blank white spaces at the edge of print,’’ sabi ni Elizabeth, na ang itinutukoy ay ang prosa ni Atwwod. “We no longer live in the gaps between the stories. We are the stories in print and we are writing the stories ourselves.’’

Sabay na dumating sa okasyon sina Ashley Judd, ang unang malaking pangalan na nagsalita tungkol sa dinanas niya kay Weinstein, at Salma Hayek, na noong nakaraang buwan ay sumulat ng artikulo tungkol sa bangungot na dinanas din niya kay Weinstein.

“We feel sort of emboldened in this particular moment to stand together in a thick black line,’’ ani Meryl Streep.

“It’s not a fashion statement. It’s a solidarity statement,’’ sabi naman ng aktres ng The Crown na si Claire Foy.

Halos lahat, babae, lalaki, celebrity at red-carpet reporters, ay nakasuot ng itim nitong Linggo, marami rin ang nagsuot ng Time’s Up pin.

 ??  ?? Oprah
Oprah

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines