Balita

PAGDILA SA APOY

- R.V. VILLANUEVA

Ika-33 labas

USISANG matindi ang ginagawa ni Edith sa pagtatanon­g nito kung may nakita siya habang nakatingka­yad sa pagkakaupo ng medyo magkalayo ang mga paa. Bagong paligo ang maid at daster lang ang suot.

“H’wag na lang po n’yo ko… isusumbong kay Tiya Onor…”

“Ngek! Sabi ko na nga ba may nakita ka, e.” Ginulo ni Edith ang buhok ni Pedring.

“Hindi ko naman po sinadya. Napatingin lang po ako talaga. H’wag nyo po akong isusumbong.”

“Bakit naman kita isusumbong? Saka di mo pa naman alam kung anno ang nakita mo, e. Di ba? Di ba?”

Sa oras ng almusal, patingin-tingin sa kanya si Edith. Nakayuko naman siya. Tutok sa pagkain. Pero hindi naman siya Magana sa pagkain. Paano kung biglang makatihan ang maid na magsumbong?

Laki ng pasasalama­t ni Pedring nang matapos ang kanilang pagkain ng walang ano mang binanggit si Edith tungkol sa nakita niya.

Pagkakain, ipinasyal siya ni Onor sa subdibisyo­n. Ang daming bumabati sa kanila. “Ampogi naman ng batang iya!” “Anak ko ‘to,” sabi ni Onor. “Loka!,” sabi ng kausap. “Ni kitikiti nga e, hindi kayo makabuo. Puro pagpapayam­an nalang ang ginagawa n’yo. Sa’n mo naman hiniram ang poging batang iyan?”

“Pamangkin ko. Gagawi kong pardon.”

“Sana nga duplikado n’yan ang magawa n’yo ni Teban.”

“Kaso hindi marunong ang damuhong Esteban.” Sabi naman ng isa pang medyo may edad nang lalaki. “Ewan ko d’yan sa asawa mo, Onor. Kung ganyan kaganda ang hulmahan, kahit matindi ng rayuma ko, makakayari ako.”

Angtalim ng irap ni Onor. “Mr. Mendoza, ayoko ng ganyang biro.”

Napahiya yata ang matanda, sabi: “Sens’ya na, Onor. Sorry talaga.”

PAUWI silang magtiyahin, naging masyadong masipag ang isip ni Onor.

Kung siya ang tatanungin, gustung-gusto niya magkaanak. Kung ganitong wala si Teban, kaylungkot niya talaga! Hindi lang naman sa anak siya nangunguli­la. Uhaw din siya sa pagmamahal ni Teban. Mga bata nga silang nagpakasal. Pero sa hanimon pa sila, naaprobaha­n na ang applicatio­n ni Estaban bilang kontrak worker.

Mula noon, pabalik-balik nalang si Teban bilang engineer sa Guam. Dalawang taon ang tinatagal bago amkauwi. Hindi pa nag-iinit, wika nga, aalis na naman.

“Pag nakaipon tayo ng sapat,” laging sinasabi ni Teban, “saka tayo mag-aanak. Gagawa tayo kahit ilan.”

Tuwing uuwi at aalis si Teban, lalo lang nag-iibayo ang pagkauhaw ni Onor. Idagdag pa ang masaklap na katotohana­ng hindi sila magkaanak.

May mga pagkakatao­ng parang ibig niyang matukso. Dahil maganda, hindi nawawalan ng nanunukso sa kanya.

Lumipas ang mga araw. Hustong isang linggo na si Pedring sa bahay ng kanyang tiya Onor. Saka nangyari iyon…

Pasado alas tres ng hapon, nagsimula ang sama ng panahon. Ayon sa PAGASA, numero dos daw ang bagyo. Bago dumilim, ang dos ay naging tres. Ang mahinang buhos ng ulan ay lumakas. Lumakas nang lumakas. Nagngangal­it na ang hagunit ng hangin.

Sa loob ng bahay ni Onor, gayon man, hindi mapapansin ang sama ng panahon.

“Sina Inang kaya?” Tigib ang pagaalalan­g sabi ni Pedring. Naalala rin niya kahit paano si Lagring.

Sabi ni Onor: “Ang anak na ire, may isip na. Naaalala na ang pamilya, hamo paghupa ng bagyo, bibisitahi­n natin sila.”

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines