Balita

Letran belles, angat sa Mapua

- Marivic Awitan

Mga Laro sa Huwebes (FilOil Flying V Centre) 8:00 a.m. – LPU vs CSB (jrs) 9:30 a.m. -- LPU vs. CSB (m) 11:00 a.m. –- LPU vs. CSB (w) 12:30 p.m. -- Perpetual vs. San Beda (w) 2:00 p.m. -- Perpetual vs. San Beda (m) 3:30 p.m. –- Perpetual vs. San Beda (jrs)

PINANGUNAH­AN ni Charm Simborio ang Letran para makabawi sa una nilang kabiguan sa pamamagita­n ng paggapi sa Mapua kahapon sa pagpapatul­oy ng NCAA Season 93 volleyball tournament sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Nagtala si Simborio ng 16puntos upang pangunahan ang Lady Knights sa , 25-22, 25-17, 2519, paggapi sa Lady Cardinals.

Umiskor ang transferee mula Far Eastern University na naglalaro para kay coach Mike Inoferio-bilang setter at spiker ng 10 hits at 6 na service aces.

“Importante ito (panalo) sa amin kasi at least yung mga bata tataas ang kompiyansa going to out next game against Arellano next Friday,” pahayag ni Inoferio. “Dagdag kompiyansa ito sa mga bata. Kahit papaano ang panalo, ‘yung misyon nila eh! nagagawa na nila.”

Napag - iwanan sa iskor na 2-9 sa third set ang Letran makaraang uminit ang opensa ng Mapua sa pangunguna nina Patria Pena at Dianne Latayan bago nagsalansa­n ng siyam na sunod na puntos ang Lady Knights upang agawin ang kalamangan,11-9, na hindi na nila muling binatawan upang makamit ang tagumpay.

Ang kabiguan ang ikalawang sunod para sa Lady Cardinals na bumaba sa ilalim ng team standings kasama ng Emilio Aguinaldo College.

Nauna rito, nakamit naman ng Mapua Cardinals ang una nilang panalo matapos ipalasap sa Knights ang ikalawang sunod na panalo, 25-20, 25-11, 25-21.

 ??  ?? NAGDIWANG ang Perpetual Help Lady Altas matapos maitala ang unang panalo sa NCAA women’s volleyball tournament nang gapiin ang Lyceum of the Philippine­s Lady Pirates, 25-21, 25-17, 25-22. Ang Lady Altas ay minamanduh­an ngayon ni coach Michael Carino....
NAGDIWANG ang Perpetual Help Lady Altas matapos maitala ang unang panalo sa NCAA women’s volleyball tournament nang gapiin ang Lyceum of the Philippine­s Lady Pirates, 25-21, 25-17, 25-22. Ang Lady Altas ay minamanduh­an ngayon ni coach Michael Carino....

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines