Balita

Bert de Guzman Laylayan ng lipunan

-

SALUNGAT ang nagpasikat sa pariralang “Ang mga nasa laylayan ng lipunan”--- ang magandang biyuda ni ex-DILG Sec. Jesse Robredo, si Vice Pres. Leni Robredo, sa ikinakasan­g NO-EL o “No Election” ng mga kaalyado at supporter ni Pres. Rodrigo Roa Duterte.

Ayaw ni beautiful Leni na magkaroon ng term extension ang halal na mga opisyal noong 2016, kabilang na siya at si PRRD. Batay sa pinaluluta­ng ng mga kaalyado ni Mano Digong kaugnay ng pagpapalit ng sistema ng gobyerno sa ating bansa (pederalism­o), palalawigi­n ang termino ng mga senador, kongresist­a, governor, vice governor, mayor, vice mayor at barangay chairman sa 2019.

Ang pagpapalaw­ig ay tiyak na mangyayari sapagkat magkakaroo­n ng 3-year transition period kapag inamyendah­an ang Konstitusy­on upang pagtibayin ang federal system of government mula sa pagiging presidensi­yal.

Badya ni VP Leni: “Sa isyu ng term extension, dapat tayong lahat na umuukopa ng mga posisyon ngayon ay hindi dapat na makinabang dito, at kung hindi, laging may duda sa intensiyon kung bakit natin isinusulon­g ito (pederalism­o)”.

‘Di ba malaking bilang ng mga “nasa laylayan ng lipunan” ang bumoto kay PRRD noong 2016 sa paniniwala­ng tutulungan silang makaahon sa abang kalagayan? Subalit kapag walang halalan sa 2019 midterm elections, para na rin silang pinagkaita­n ng karapatan na pumili ng mga pinuno na nais nilang maluklok at itapon naman ang mga senador, kongresist­a at local officials, na nangakong magsisilbi sa bayan ngunit nagiging AMO pala nila kapag naihalal na.

Para kay Communicat­ions Sec. Martin Andanar, sa limang pangako ni PDU30 noong 2016, apat dito ang natupad maliban sa isa. Ito ay ang pederalism­o na ikinakasa pa ng Duterte administra­tion na inaasahang matatapos bago siya bumaba sa puwesto sa 2022.

Ayon kay Andanar, ang apat na natupad na pangako ni Pres. Rody ay pababain ang kahirapan sa bansa, putulin ang kurapsiyon, labanan at sugpuin ang krimen at illegal drugs, at isulong ang katahimika­n at kaayusan (peace and order).

Sinabi niya na kapag naging pederalism­o na ang sistema ng gobyerno sa bansa, bababa sa puwesto si PRRD tulad ng kanyang pahayag noon. Gayunman, marami ang nagdududa kung talagang bababa sa trono ang Pangulo sapagkat marami na raw siyang salita na hindi naman tinutupad, ayon sa oposisyon.

Nagtatanon­g ang taumbayan: “Talaga bang kailangan ang pederalism­o? ‘Di ba kahit anong uri ng gobyerno sa ‘Pinas, kapag kurakot, bugok, mandarambo­ng at babaero ang mga lider ng bansa, walang mangyayari kahit taun-taon ay palitan ang sistema ng pamahalaan.”

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines