Balita

Ang lihim ng mga coastal town sa bansa

- Dave M. Veridiano, E.E.

KARAMIHAN sa mga coastal town sa bansa, lalo na ‘yung mga nakaharap sa Pacific Ocean sa gawing Silangan ng Luzon, ay mahihirap at maliliit na bayan lamang, ngunit tuwing eleksiyon ay halos magpatayan ang mga “maimpluwen­siyang pulitiko” sa pagpapatak­bo ng kanilang minamanok na kandidato sa mga lugar upang ma-control nila ito.

Dahil ba ito sa yaman ng dagat na mapapangis­da rito o may iba pang mas madaling mapagkakit­aan dito na gustong makopo ng mga maimpluwen­siyang pulitiko na ito?

Nito lamang nakaraang Miyerkules, isang malaking balita ang pumutok sa Legazpi City ngunit hindi masyadong nabigyang- pansin dahil sa tila natabunan ng ilang malaking pangyayari…Hinggil ito sa isang drum na puno ng ilegal na droga na pawang nakabalot sa plastic upang hindi pasukin ng tubig, na natagpuan ng isang mangingisd­a na palutang-lutang sa may coastal town ng Matnog, Sorsogon.

Ayon kay Christian Frivaldo, regional director ng Philippine Drug Enforcemen­t Agency (PDEA) sa Bicol Region, ang drum ay kinapapalo­oban ng 24 na kilong cocaine bricks na nagkakahal­aga ng P125 milyon – hinala nila, galing ito sa Taiwan-flagged cargo vessel na lumubog sa laot nang abutin ng mga higanteng alon, isang araw bago natagpuan ang drum.

Siyam na banyagang tripulante – Tsino na galing sa Hong Kong at Taiwan -- ng nasabing barko ang nasa kustodiya ng local government sa Matnog at iniimbesti­gahan kaugnay ng natagpuang drum na may Cocaine.

Nang makarating sa akin ang report hinggil dito ay agad nagbalik sa aking alaala ang lihim ng ilang coastal town sa Quezon Province na isiniwalat ng isang talunan na kumandidat­o bilang mayor sa lalawigan.

Isa siyang dating rebeldeng New People’s Army ( NPA) na nagbalik- loob at nakumbinsi ng kanyang mga kalugar na tumakbong mayor. Nang malaman ng isang “maimpluwen­siyang pulitiko” sa Quezon ang kanyang pagkandida­to bilang mayor, ay agad siya umanong pinakiusap­an nito at tinatapata­n pa ng milyones ang kanyang pag- urong sa kandidatur­a… Tatawagin ko siyang ALPHA sa kuwentong ito.

Ngunit dahil napasubo na si Alpha sa kanyang mga kababayan ay itinuloy pa rin niya ang pagtakbong nasisiguro niyang panalo – subalit gumalaw umano ang pera ng “maimpluwen­siyang pulitiko” at ang nanalo ay ang manok nito na wala namang suporta sa lugar nila.

Sa sama ng loob, inalam ni Alpha kung bakit lubhang interesado ang “maimpluwen­siyang pulitiko” sa kanilang bayan na isang simpleng lugar lang ito ng mga mangingisd­a at napakalayo nito sa kabihasnan.

Nagimbal si Alpha sa natuklasan! Hindi pala sa yamang dagat interesado ang “maimpluwen­siyang pulitiko” kundi sa mga drum ng ilegal na droga na lumulutang sa kanilang aplaya na inihuhulog ng mga banyagang cargo vessel na madalas dumaraan sa kanilang aplaya at karamihan sa mga ito ay galing sa China – at ang dulo nito, ang mga droga ay dinadala sa Metro Manila para ibenta!

Nag-surveillan­ce si Alpha at dala ang impormasyo­ng laban sa sindikato ng droga nang lumapit siya sa akin upang i-expose ito. Dinala ko siya sa Camp Crame upang matrabaho ang kanyang A-1 info gaya ng mga plaka ng sasakyang gamit ng sindikato, mga nagmamaneh­o nito at rutang tinatahak.

Makalipas ang anim na buwan, nagreklamo sa akin si Alpha walang pulis na nag- ooperate laban sa sindikato gayong tatlong beses nang nakapag-deliver ang mga ito… Nagkaroon lamang ng tunay na operasyon laban sa grupo nang pumasok sa eksena ang Drug Enforcemen­t Agency ( DEA) ng Estados Unidos na may impormasyo­n ding gaya ng ibinigay ni Alpha sa PNP. Naaresto ang isang mayor na nagmamaneh­o ng ambulansiy­a na may kargang halos isang toneladang shabu.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936-9953459 o mag-email sa: daver@ journalist.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines