Balita

Nadal, kapos pa ng lakas

-

MELBOURNE (AP) – Tila hindi pa handa si World number one Rafael Nadal sa major tournament.

Sadsad ang Spanish star kay Richard Gasquet sa kanyang unang laro ngayong season, 6-4, 7-5, sa Kooyong Classic nitong Lunes (Martes sa Manila).

Sa kabila ng kabiguan, masayang sinabi ni Nadal na maayos na ang kanyang pakiramdam sa napinsalan­g tuhod.

Naapektuha­n ang kampanya ni Nadal sa pagtatapos ng 2017 nang magtamo ng injury sa kanang tuhod. Ito ang dahilan sa kanyang pagatras sa nakalipas na Brisbane Internatio­nal. Nagdesisyo­n siyang sumabak sa non-tour event sa Melbourne.

Aniya, patuloy niyang pinaghahan­daan ang Australian Open na magsisimul­a sa Miyerkules sa Melbourne Park.

“I”m very happy to be back in Australia,” aniya. “I had a heavy year in 2017 and I started my preparatio­n later than usual.

“But I’ve arrived in plenty of time. It’s great to get the feeling once again of playing a match. This was a good test for me after some good training, that’s the most important thing.”

Malayo sa kanyang matikas na porma ang 16-time Grand Slam winner laban sa karibal na 15-0 niyang tinalo sa ATP Tour.

Sa kabila ng injury, kabilang ang 31-anyos na si Nadal sa entry list ng Australian Open.

“The knee is fine. I’m here,” sambit ni Nadal.

“If I was not feeling good I would not be here, so that’s good news. I’ll train hard over the next few days for the Australian Open, I will be ready.”

 ?? AP ?? NADAL: Kumpiyansa sa Australian Open.
AP NADAL: Kumpiyansa sa Australian Open.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines