Balita

Marian, aliw sa fight scenes

- Ni NITZ MIRALLES

NGAYONG

January magrerenew ng kontrata sa GMA Network si Marian Rivera, hindi pa lang niya tiyak ang eksaktong petsa. Pero bago ipalabas ang final episode ng Super Ma’am sa January 26, baka nakapag-renew na siya ng kanyang kontrata.

Wala pang maibalitan­g new show si Marian dahil pagkatapos ng

Super Ma’am, magpapahin­ga muna siya at siya naman ang mag-aalaga kay Zia na hands-on na inaasikaso ng kanyang asawang si Dingdong

Dantes ngayon. “Six months ding tumakbo ang

Super Ma’m, dapat three months lang kami, pero na-extend kami. Matagal ko ring nakasama ang cast, siguradong ngangalnga­l ako sa last taping day namin sa Jan. 24 at sa cast party namin. Mami-miss ko ang lahat, lalo na si Direk LA ( Madridejos). Ang Amaya, inabot ng nine months, kaya grabe ang ngalngal ko nang matapos ang taping at hanggang nasa bahay na ako, ngumangang­alngal pa rin ako,” kuwento ni Marian.

Nagustuhan niya ang Super Ma’am dahil pambata, at maraming lessons na itinuturo sa viewers, lalo na sa mga bata -- kaya nga hinahayaan niyang mapanood ito ni Zia. Nagugustuh­an din niya ang fight scenes na kung kaya rin lang niya, siya mismo ang gumagawa na ikinababah­ala

naman ni Dingdong. Sa episode na napapanood, sina Gil Cuerva, Patricia Tumulak at

Boobay ang guests sa Super Ma’am. Sa Jan. 15, lalabas si Barbie Forteza na maggi-guest bilang sirena. Sa finale week, si Medusa ang makakalaba­n ni Super Ma’am, pero wala pang aktres na napipili para gumanap bilang babaeng ahas ang mga buhok.

Samantala, usap- usapan pa rin ang video message na ginawa ni Dingdong bilang regalo kay Marian sa third anniversar­y nila as a couple.

“Ang haba nga ng hair ko dahil sa video na ‘yun, naapakan sa sobrang haba. Nang sinabi ni Dingdong na may video siya, nangingili­d na ang luha niya. Nang mapanood ko, humihikbi ako at nang lumabas si Zia, doon na ako bumigay, humagulhol na ako.

“Bago niya i-upload sa FB ‘yun, ipinapanoo­d muna niya sa family namin na parang may film showing. Nagpaalam din siya sa akin na ia-upload niya ang video. Gusto raw niya i-share kung gaano niya ako kamahal. Na-touch ako. Sabi pa niya, sana lagi kong panonoorin ang video para malaman ko kung gaano niya ako kamahal,” pagtatapos ni Marian.

 ??  ??
 ??  ?? Marian, Dingdong at Zia
Marian, Dingdong at Zia

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines