Balita

Bentahan ng PNP riffles sa NPA, sisilipin uli

- Jeffrey G. Damicog

Inatasan kahapon ang National Bureau of Investigat­ion ( NBI) na magsagawa ng panibagong imbestigas­yon sa nawawalang 1,004 na armas ng Philippine National Police (PNP) na umano’y ibinenta sa New People’s Army (NPA).

Mismong si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II ang naglabas ng nasabing direktiba, sa bisa ng Department Order (DO) No. 007, na may petsang Enero 9.

Sa kanyang DO, sinabi ng kalihim sa NBI na ito ay “directed and granted authority to conduct investigat­ion and case build- up over missing Philippine National Police firearms which were sold to the New People’s Army in Mindanao, and if evidence warrants, to file the appropriat­e cases against government personnel and private individual­s found liable.”

Ipinaliwan­ag ni Aguirre na kumilos siya ayon sa kautusan ni Pangulong Duterte na muling buksan ang imbestigas­yon sa nawawalang 1,004 na high-powered AK47 rifles.

Ipinaliwan­ag ni Department of Justice ( DoJ) Spokespers­on Undersecre­tary Erickson Balmes na ang imbestigas­yon ng NBI ay isang off-shoot sa imbestigas­yon ng Criminal Investigat­ion and Detection Group (CIDG) ng PNP na naghain ng reklamo sa Office of the Ombudsman.

Matapos magsagawa ng preliminar­y investigat­ion sa mga reklamong inihain ng CIDG, nagsampa ang Ombudsman ng multiple counts ng graft noong Oktubre 2015 laban sa mga opisyal ng PNP at mga pribadong indibiduwa­l na pinaniniwa­laang sangkot sa pagkawala ng 1,004 na AK47 rifles.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines