Balita

Jason Abalos, idinenay na break na sila ni Vickie Rushton

- --Nora Calderon

MUKHANG

madaling nakaadjust si Jason Abalos sa pagiging Kapuso simula nang nang mag-ober da bakod siya mula sa ABS-CBN. Ilang beses na siyang naggi-guest sa mga show ng GMA Network, at una siyang napanood sa Sunday

Pinasaya, nagdrama siya sa isang contest kunwari ng iba pang Kapuso actors, mga beki sila at siya ang nanalo sa pahusayan sa pag- arte. Nasundan pa iyon ng ilang guestings sa Sunday show. Hindi ba siya nanibago? “Hindi po, nai-enjoy ko tuwing maggiguest ako doon at minsan nga nasabi ko na p’wede bang gawin na nila akong regular sa show,” natatawang sagot ni Jason. “Iba-iba po kasi ang role na ibinibigay nila sa akin, may song and dance number din.”

Pero ngayon ay regular nang mapapanood si Jason sa GMA-7 dahil kasama siya sa sexy, romantic comedy series na The One That Got

Away. Nag-expect ba siya na lead role agad ang ibibigay sa kanya ng GMA?

“Hindi po, hindi ako nag- expect ng lead role nang lumipat ako sa GMA. Pero thankful po ako dahil maganda agad ang role na ibinigay nila sa akin sa The One

That Got Away. Ako po si Gael Macalintal, older brother ako ni Alex ( Lovi Poe), single dad at anak ko si Nemo (4-year old na si Euwean Aleta). Magkakaroo­n ako ng conflict sa sister ko nang ma-in love ako kay Zoe ( Rhian Ramos), na tulad niya ay exgirlfrie­nd din pala ni Liam ( Dennis Trillo). “Masaya ang family namin ni Alex dahil parents namin sina Bembol Roco at Snooky Serna. Kung wannabe rockstar ang tatay naming si Pancho, conservati­ve naman ang nanay naming si Patty, pero pareho silang hopeless romantic at mayroon kaming small antique shop. Enjoy po ako talaga na makakatrab­aho ko naman ngayon ang mga Kapuso stars like sina Lovi Poe at Max Collins, saka si Migo Adecer. Nice nakasama ko rin si Ivan Dorschner na nakasama ko noon sa ABS-CBN.” Samantala, idinenay ni Jason na break na sila ng kanyang girlfriend na si Vickie Rushton. Nasa Bacolod lang daw ngayon at busy si Vickie sa party needs shop at flower shop business nito. Meron din silang salon ni Vickie sa hometown naman niya sa Nueva Ecija. Next month babalik na sa Manila si Vicki dahil may project naman dito ang girlfriend. Sa January 15 na mapapanood ang The One That Got Away kapalit ng My Korean Jagiya.

 ??  ?? Jason
Jason

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines