Balita

Loretta Lynn, maayos na ang kalagayan

-

MAAYOS

na ang kalagayan ang country legend na si Loretta Lynn pagkatapos mabalian ng balakang sa kanyang bahay.

Nag- post ng update ang team ng 85-anyos na musical icon sa kanyang Instagram kasunod ng kanyang aksidenten­g pagkakadul­as.

“American music icon, Loretta Lynn is recovering from a fractured hip after a fall while at home,” saad sa post. “She is doing well and thanks all her fans for their thoughts and prayers.”

Isiniwalat ng anak ng mang-aawit na si Patsy sa People na naganap ang aksidente noong araw ng Bagong Taon nang madulas ang kanyang ina habang hinahabaol ang bagong alagang tuta.

“At my mom’s age, it’s so dangerous when it comes to the hip, so we’re all just grateful she seems to be OK,” ani Patsy. “She’s up putting weight on it and starting her rehab now.” Naganap ang insidente pagkaraan ng ilang buwan simula nang ma-stroke ang mang- aawit at sinabi ni Patsy na “aggravated” pa rin siya dahil nagpapagal­ing pa ang ina mula sa sinapit nito noong Mayo 2017. “She said she’s just mad about being back to laying up watching TV!” aniya. “Hopefully, she will recover quickly. She’s strong -- it’s amazing she’s able to go through all she’s been through. She had a stroke in May and has been having band rehearsals and getting around great by herself; she’s recording, she’s finishing up another album. That’s what she’s been focusing on. She’s nonstop but she’s always been that way -- it’s what keeps her going.”

 ??  ?? Loretta
Loretta

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines