Balita

SEAG deputies, kailangan ni Monsour

- Annie Abad

POSIBLE umanong kumuha ng dalawang karagdagan­g deputy si SEAG Chef de Mission Monsour del Rosario upang magakaroon ng karagdagan­g tulong sa pagpapatak­bo ng 2019 South East Asian Games sa bansa.

Ayon kay del Rosario, mas makabubuti­ng may karagdagan­g dalawa pang deputies silang ilalagay gayung apat na venues ang siyang naaprubaha­n umano ng SEAG board ang Bulacan, Zambales, Clark at Subic.

“Gusto ko kasing tumakbo ulit bilang congressma­n ng Makati sa 2019 election. So para may makatulong din yung dalawang deputies ko, I asked them kung sino yung pwede nilang irecommend,”ani del Rosario.

Sa kasalukuya­n ay nasa hanay ng kanyang mga deputy chef de missions sina Robert Bachmann ng Squash at ang kontrobers­yal na si Raymund Lee Reyes ng Philippine Karate-do Federation.

Nasa listahan na ng maidadagda­g sina Jonne Go ng Canoe kayak at Aida Milby ng Philippine Rugby team upang maging karagdagan­g deputies ni del Rosario.

“Tamang tama para kung sakali dahil apat ang venues, tig iisang deputies ang ilalagay natin para sa bawat venues then I will be roaming around those venues para mamonitor natin ang mag athletes natin pati mga games tsaka yung mga ibang countries na kasali,” aniya.

Gayunman, nakatakda pa rin umanong hilingin muna ni del Rosario ang nasabing mga karagdagan­g deputies sa POC at umaasa naman siya na maaprubaha­n ang mga ito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines