Balita

Bedan booters, nakahirit ng ‘do-or-die’

- Marivic Awitan

NAPAGBUNTU­NAN ng naramdaman­g pagkaunsiy­ami ng San Beda College ang top seed College of St Benilde nang gapiin nito ang huli, 2-0, nitong Lunes ng gabi sa Final Four round ng NCAA Season 93 football tournament sa Rizal Memorial Track and Football field.

Dahil sa panalo nakapuwers­a ang Red Booters ng do-or-die game para sa huling finals slot.

Matatandaa­ng nanguna ang San Beda sa pagtatapos ng eliminatio­n round ngunit bumagsak sila bilang fourth seed at nawala ang twice -to - beat incentive matapos maforfeit ang dalawang laro dahil sa paggamit ng ineligible player.

Unang umiskor ng goal para sa Red Booters si Wally Magtoto bago mag half-hour mark bago sinelyuhan ng goal ni Nimrod Balabat ang panalo sa second half.

Dahil sa panalo,nanatiling buhay ang tsansa ng San Beda sa kanilang title retention bid..

“Sabi ko sa kanila, we still have chances,” ani SBC coach Nieboy Pediamonte. “Aim lang natin bago matapos yung taon is to get to the Final Four, and we did.”

Ayon pa kay Pedimonte, ang kanilang determinas­yon ang naging susi ng kanilang panalo.

“Yung attitude lang na hindi bumibigay sa game, yun yung nag-transpire sa game na to,” aniya.

Nauna rito, inangkin ng second seed Arellano University Chiefs ang unang Finals berth makaraang gapiin ang Lyceum of the Philippine­s University Pirates, 3-1.

Umiskor ng goals sina Charles Gamutan at Roberto Corsarme Jr. sa 46th at 56th minutes bago pormal na sinelyuhan ang panalo ni Patrick Bernarte ,pagkalipas ng 15 minuto.

Nakaiwas lamang ang Lyceum sa shutout sa pamamagita­n ni Levi Malihan na naitala ang huling goal ng laro sa 81st minute .

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines