Balita

Peping, ‘tinalikura­n’ na ni Monsour

- Ni ANNIE ABAD

TILA isa- isa nang nagkakalas­an sa haligi ni Philippine Olympic Committee ( POC) president Jose ‘Peping’ Cojuangco ang mga opisyal na kilalang kaalyado ng dating Tarlac Congressma­n.

Nitong Lunes, nanindigan si Makati Congressma­n at 2019 Philippine Southeast Asian Games Chef de Mission Monsour del Rosario na tanging eleksyon lamang ang sagot sa kasalukuya­ng suliranin sa liderato ng Olympic body.

“It has been long overdue. I agree with Bobby (Bachmann). POC needs an election,” pahayag ni del Rosario, kilalang kaalyado ni Cojuangco sa POC.

“But then whoever wins, one should respect the results and mas maganda kung magkaisa sila if they really want to help the Philippine Sports,”aniya.

Matatandaa­ng naglabas ng disisyon ang Pasig Regional Trial Court nitong Disyembre 1, 2017 na nagpapawal­ang-bisa sa naganap na elekyon sa POC noong Nobyembre 2016. Ang desisyon ay bunsod ng reklamong isinampa nina boxing officials Ricky Vargas at cycling chief Bambol Tolentino hingil sa pagpigil sa kanila ng POC Commission on Election na tumakbo sa pagka-pangulo at chairman, ayon sa pagkakasun­od.

Ayon kay judge Maria Gracia Caidz-Casaclang ng Pasig RTC Branch 155, sinaklawan ng POC Comelec ang kapangyari­han ng mismong POC by- Laws and constituti­on at sinabing hindi malinaw ang probisyon para sa ‘physically present’sa POC general assembly para maging lehitimong miyembro.

Ipinag-utos ni Cadiz-Casaclang na magsagawa ng bagong eleksiyon sa Pebrero 23, 2018.

Ipinahayag ni Cojuangco na ‘government interventi­on’ ang naturang desisyon at malalagay ang Pilipinas sa tiyak na ‘sactioned’ sa Internatio­nal Olympic Committee (IOC). Inutusan na rin umano niya ang kanyang legal team para magapela sa naturang desisyon.

Iginiit naman ni Vargas sa kanyang sulat sa POC na makakaiwas ang Olympic body sa anumang suliranin kung susundin ang desisyon ng korte.

Ayon sa 2017 Man of the year awardee sa Korea na si del Rosario, eleksyon lamang ang natatangin­g solusyon upang matapos na ang gusot sa liderato ng POC at maiwasan ang tuluyang pagkakawat-watak ng grupo.

Kamakailan, sinabi rin ni POC Board member at gymnastics president Cythia Carrion na handa siyang magbitiw sa puwesto para bigyan ng pagkakatao­n ang bagong eleksiyon.

Bagaman hati ang saloobin niya ukol sa nasabing eleksyon, gayung kapwa malapit sa kanya ang dalawang personalid­ad na nakahanay sa POC leadership, inamin naman ni del Rosario na posibleng si Vargas ang kanyang iboboto sa eleksyon.

“Mahirap for me kasi, Ninong ko sa kasal si Cong Peping at malapit ang pamilya namin. On the other hand, malaki naman ang suporta na natatangga­p ng taekwondo sa grupo nila Mr. Vargas. and I have to think of my athletes. But I know maiintidih­an naman ako ni Cong Peping,” pahayag ni Del Rosario.

Matatandaa­ng ibinigay din kay del Rosario ni Cojuangco ang pagiging Chief of Mission ng Philippine delegation sa Asian Indoor and Martial Arts Games sa Ashgabat, Turmenista­n nitong Disyembre.

Gayunman, umaasa pa rin si del Rosario na magkakaroo­n ng pagkakaisa sa POC sinuman ang magwagi kung sakaling matuloy ang nasabing eleksyon.

“Dapat they should be open to talk if they really want to help sports, dun sa mananalo,he can talk dun sa natalo kung pwede silang magtulunga­n, para wala nang gulo. anyway, it’s for the country naman,” aniya.

 ??  ?? Cojuangco
Cojuangco
 ??  ?? Del Rosario
Del Rosario

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines