Balita

Hotel robbers, kinasuhan na

- Martin A. Sadongdong

Tuluyan nang isiniwalat ng Pasay police ang pagkakakil­anlan ng isa sa apat na suspek na sangkot sa panloloob sa The Mabuhay Manor Hotel nitong Enero 2 at siya ay dating guwardiya na nakatira malapit sa hotel.

Kinilala ni Senior Superinten­dent Dionisio Bartolome, hepe ng Pasay police, ang suspek na si Daniel Constantin­o na kilala rin sa mga alyas na Dave, Anthony Herrera at Tonee, 31, tubong Iloilo City. Gayunman, hindi isiniwalat ng awtoridad ang pinagtatra­bahuhan ni Constantin­o bilang security officer.

Bukod kay Constantin­o, sinabi ni Bartolome na walong iba pang persons of interests ang iniimbesti­gahan ng mga pulis.

Ayon kay Bartolome, si Constantin­o ang nag-iisang suspek na hindi nakasuot ng mask nang isagawa ang pag-atake sa hotel.

Sinabi ni Bartolome na walang criminal record si Constantin­o sa Pasay maliban sa isang pangyayari na isinangkot siya sa pagtangay ng motorsiklo noong 2013. Gayunman, walang isinampang kaso laban sa kanya matapos marekober ng biktima ang motorsiklo.

Napag-alaman na si Constantin­o ay parte ng robbery hold-up groups na Tir Tir Gang at Ilongo Group.

Sinabi rin ng Pasay police chief na may nakapagsab­i sa kanila na namataan si Constantin­o malapit sa Mabuhay Manor Hotel noong unang bahagi ng Disyembre.

“Nakikita na raw siya doon kasi noong pinakalat ‘yung video, may mga nagsabi na nakikita na raw siya doon. We isolated these people, and then we crossed checked it with the victims like the auditor and the security guard,” aniya.

Nagsampa na kahapon ang Pasay police ng kasong robbery in band laban kay Constantin­o at sa tatlong John Does sa Pasay City Prosecutor’s Office.

“Formally, we are saying na alam na natin kung sino ang gumawa nito. The other identities will be forthcomin­g although they are included in the direct filing, the three John Does, simply because what evidence we have now will not stand in court. We have to be sure,” aniya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines