Balita

Angeline, muntik mahulog sa andas

- Ni REGGEE BONOAN

SA apat na taong pag- akyat ni Angeline Quinto sa andas ng Poong Nazareno tuwing Pista ng Quiapo, nitong nakaraang Martes lang siya nahirapan at kamuntikan­g malaglag. Labis siyang nagpapasal­amat na inalalayan siya ng mga kapwa deboto.

“Ate Reg, ilang taon na ako sumasampa pang-apat na po ito. Pero kanina po nahirapan ako, lahat ng mga taong naapakan ko madulas kasi sobrang pawis, lahat sila. Muntik na ako malaglag sa pagsampa pero ‘buti po may mga lalaki humawak sa akin sa taas,” sabi sa amin ng singer/actress.

Naka-chat namin si Angeline nitong Martes ng tanghali bago siya sumampa, “ate Regs, punta po kami ngayong gabi. Kasama ko po mga kaibigan ko.

“Mag-aabang lang po kami sa malapit sa Quinta Market para makasampa ulit. Pero magmimisa muna po kami sa simbahan.”

Habang sinusulat namin ang ito kahapon ay nabanggit ni Angge na 2 AM na siya nakasampa kahapon ng madaling araw.

Matagal nang devotee si Angeline ng Black Nazarene. Simula noong bata pa siya ay lumalakad sila nang paluhod ng kanyang Mama Bob sa Quiapo Church at hindi nabubura ang mainit niyang pananalig. Hindi na nga lang niya isinasama ang lola niya nitong ilang nakaraang taon dahil mahihirapa­n na itong kumilos sa gitna ng napakarami­ng tao.

Dahil pareho ni Coco Martin na taun- taon ding dumadalo sa Pista ng Quiapo, tinanong namin ang dalaga kung nagkita sila ng aktor.

“Hindi po, pero ngayon nagkita po kami sa taping po ( FPJ’s Ang Probinsyan­o),” sagot ng dalaga.

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ?? Angeline
Angeline

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines