Balita

Kris, ipinakasal kay Herbert sina Yaya Racquel at Jun

- Ni REGGEE BONOAN

KINASAL ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang Yaya Racquel ni Bimby sa fiance nitong si Jun Aries sa kanyang opisina sa Quezon City Hall sa isang simpleng civil wedding rites kahapong tanghali.

Si Kris Aquino siyempre ang ninang na siya ring dumulog kay Mayor Herbert para maikasal ang dalawa.

“’Yung nanay nu’ng groom pinauwi ni Madam ( Kris) kahapon all the way from Bacolod, sagot ni Madam,” kuwento ng staff ni Kris na si Jack Salvador. “Then after kasal ngayon sagot ni Madam ‘yung reception sa Sweet Inspiratio­n, hindi lang nakapunta si Madam kasi may taping pa siya pero nandu’n naman si Kuya Josh.”

Matatandaa­n na noong Oktubre 2, 2015 ay nagpakasal din ang Yaya Gerbel ni Bimby, kaya pinalitan ito ni Yaya Racquel.

Dating nagtrabaho sa Hong Kong at naging call center nang umuwi ng Pilipinas si Yaya Racquel. Magkakapat­id sina Gerbel, Racquel at Bincai.

Pagkalipas ng tatlong taon kay Kris, nagpakasal naman si Yaya Racquel.

Ang pagkakaiba lang, si Yaya Gerbel ang kinagisnan ni Bimb nag-aalaga sa kanya kaya nang ikasal ito humagulhol ng iyak ang bagets at halos maglupasay sa simbahan hanggang sa reception

Ngayong nagbibinat­ilyo na, mukhang adjusted na ang bunso ni Kris kaya hindi na siya napaiyak sa kasalan kahapon. Sa katunayan, ang saya saya pa ni Bimb sa pictorial nila.

Samantala, may solong kuha sina Mayor Herbert at Kris na tiyak na muling magpapakil­ig sa kanilang KrisTek fans.

 ??  ??
 ??  ?? Mayor Herbert, Josh, Jun, Racquel, Bimby at Kris
Mayor Herbert, Josh, Jun, Racquel, Bimby at Kris

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines