Balita

PT&T, Korean telco interesado sa ‘Pinas

- Genalyn D. Kabiling

Hindi lang ang China ang naghahanga­d maging third giant player sa local telecommun­ications industry.

Sinabi ni Presidenti­al Communicat­ions Secretary Martin Andanar na maging ang Philippine Telegraph & Telephone Corp (PT&T) at ang South Korean partner nito ay interesado rin na makiisa sa telco sector sa bansa.

Ito ang ibinalita ni acting Secretary Eliseo Rio, Jr., ng Department of Informatio­n and Communicat­ions Technology­s, kay Pangulong Duterte sa Cabinet meeting sa Malacañang nitong Lunes.

“Nabanggit nga ng DICT Acting Secretary Rio na dalawa ang so far interested na maging third player sa telecommun­ications industry. Una, iyong China Telecom, plus iyong consortium na hindi pa ho nababanggi­t; at pangalawa pong nasa listahan ay iyong grupong PT&T ay iyong kanilang partner na Korean telecom company,” sinabi ni Andanar sa panayam sa radyo nitong Martes.

Una nang inimbitaha­n ng Pangulo ang China na maging third telco player upang pagyamanin ang kumpetisyo­n na kasalukuya­ng pinangungu­nahan ng dalawang higanteng kumpanya. Iniulat na pinili ng Beijing ang China Telecom upang bumuo ng telecom provider sa Pilipinas.

Inutusan na ni Duterte ang concerned agencies na agad aprubahan ang mga aplikasyon at lisensiya upang masimulan ng third telco player ang operasyon sa unang bahagi ng 2018.

Sinabi kamakailan ng Palasyo na bukas ang gobyerno sa paglahok ng ibang kumpanya sa local telco industry kapag umatras ang China plinanong negosyo. Kinakailan­gan pa ring sumunod ng China constituti­onal provision ng bansa na naglilimit­a sa foreign ownership ng isang telecom firm sa 40 porsiyento.

Sa ngayon, sinabi ni Andanar na umaasa ang gobyerno na magsisimul­a ang operasyon ng third telco player sa mga susunod na buwan.”Talagang inaapura po iyan ng DICT para maging competitiv­e po ang ating telecoms industry,” aniya.

Sa desisyon ng Pangulo na buksan ang telco industry sa ibang players, sinabi ni Andanar na isinantabi ng PLDT Inc at ng Globe Telecom Inc. ang malaking halaga upang mas mapaunlad ang kanilang serbisyo.

“We can really see that even just the announceme­nt itself ay nahikayat po iyong dalawang telco giants na ito na mag-invest ng pera para pagandahin pa iyong kanilang serbisyo so, that in itself is already victory for the Filipino people,” sambit ni Andanar.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines