US ‘di bibitaw sa pagdedepensa sa ‘Pinas
Buo ang pangako ng United States na dedepensahan ang Pilipinas laban sa pag-atake ng banyagang puwersa, sinabi ni Ambassador Sung Kim kahapon.
“We are fully committed to our alliance with the Philippines. There is absolutely no ambiguity about our commitment to defend the Philippines should a foreign force attack the Philippines,” sinabi ni Kim sa panayam sa telebisyon.
Sinabi ni Kim na hindi man kasama ang US sa mga umaangkin sa South China Sea, labis silang nag-aalala kung paano mareresolba ang mga iringan.
“The dispute should be resolved peacefully and should be done according to international law and practices. So this is why we have efforts to come out with a strong set of principles, code of conduct to govern how we settle this dispute,” aniya.
Binigyang-diin ni Kim na hindi nagbabago ang papel at posisyon ng gobyerno ng US kugnay sa isyu sa South China Sea, at patuloy nilang isusulong at poprotektahan ang international rights gaya ng freedom of navigation at freedom of flight.
“This is not solely for the U.S. but good for everybody. So much trade goes through… if we don’t have freedom of navigation we will all suffer. So we are (conducting) freedom of navigation exercises to make sure we promote those rights,” diin ng kinatawan ng Amerika.
Ipinaliwanag niya na ang papel ng US, naiiba sa claimants, ay tiyaking mapoprotektahan ang “important international rights.”
Isinantabi rin ni Kim ang mga palagay na ang pagbabago sa polisiya ng United States sa Asia-Pacific region ay magbibigaydaan sa paghahari ng China.
“We are not going anywhere. We’re gonna remain engaged in all aspects of trade, we’re not retreating. We’re fully committed to this region. That said, it’s no secret that China is continuing to expand,” aniya.
Ayon kay Kim, ang hamon ngayon para sa Amerika ay kung paano tugunan ang pagpapalawak na China upang makikinabang ang buong rehiyon a constructive partnership sa Beijing.
“So I don’t think it’s accurate we’re retreating and giving space to China,” aniya.