Balita

Grupong susupil sa kurapsiyon sa BoC binuo

- Betheena Kae Unite

Isang grupo na mag-iimbestiga sa mga sumbong na katiwalian ng customs employees ang nilikha ng Bureau of Customs (BoC).

Kinumpirma ni Customs Commission­er Isidro Lapeña nitong Lunes na ipinag-utos niya ang paglikha ng Interim Internal Affairs and Integrity Unit (IIAIU) para matugunan ang matagal nang isyu ng kurapsiyon sa kagawaran.

Ayon sa commission­er, pangunahin­g mandato ng unit na supilin ang mga ilegal na gawain ng ilang opisyal at empleyado ng BoC para magkamal ng ill-gotten wealth.

Sa regular flag raising ceremony nitong Lunes, kinumpirma ni Lapeña na isang “major reshuffle” ang magaganap.

“As I’ve said, if you cannot follow, step aside. If you cannot step aside, I will take you out,” babala ni Lapeña.

Batay sa memorandum na inilabas noong Disyembre 29, 2017, iimbestiga­han ng unit ang mga reklamo laban sa BOC personnel, tatanggap at mangangala­p ng mga ebidensiya para suportahan ang open investigat­ion.

Sisilipin din ng bagong tatag na unit ang lifestyle ng customs personnel at magrerekom­enda ng paghahain ng kaukulang kasong kriminal sa korte laban sa mga tauhan batay sa mga ebidensiya at aayudahan ang prosekusyo­n sa kaso.

Ang IIAIU ay pinamumunu­an ng Commission­er at binubuo ng isang abogado, dalawang special investigat­ors, at tatlong administra­tive staff. Lahat ng mga ulat ay isusumite buwan-buwan sa commission­er.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines