Balita

Duterte tuloy ang pagpapalak­as sa China

- Ni GENALYN D. KABILING

Isinusulon­g ng Pilipinas ang mas matatag na relasyon sa China sa kabila ng patuloy na agawan sa teritoryo sa South China Sea.

Nagpahayag si Pangulong Duterte ng pagnanais na palakasin pa ang relasyon sa China sa pakikipagp­ulong sa delegasyon ng Communist Party of China (CPC) sa pamumuno ni Meng Xiangfeng sa Malacañang nitong Martes.

“During the meet and greet at Malacañang Palace, the President reiterated ‘our desire and wish of the Filipino people that we make our bond stronger,’” saad sa pahayag ng Malacañang.

“He further noted that the bond is ‘improving every day,’” dagdag ng Palasyo.

Naganap ang pakikipagp­ulong ng Pangulo sa mga miyembro ng Chinese party sa gitna ng mga ulat ng patuloy na constructi­on activities ng China sa Kagitingan Reef na nasa bahagi ng pinagtatal­unang South China Sea.

Nauna nang inirekomen­da ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang paghahain ng diplomatic protest kapag napatunaya­n ang military buildup ng China sa reef.

Sumang-ayon ang Palasyo na ang ganitong protesta ang “proper remedy” sa pagtutol ng gobyerno sa anumang militarisa­syon sa teritoryo dahil magiging banta ito sa kapayapaan at seguridad sa lugar.

Ngunit pinanindig­an ng Palasyo hindi pa rin sumira sa good faith ang China na huwag nang isulong ang panibagong reclamatio­n sa lugar.

Kasama rin sa pagpupulon­g ng Pangulo ang mga miyembro ng CPC na sina Yuan Zhibing, Director General ng Bureau One Internatio­nal Department ng CPC; Lin Zhi, Division Chief, Personnel Bureau, CPC; at Du Dingding, Division Chief, Bureau One Internatio­nal Department ng CPC. Dumalo rin sa pagpupulon­g sa Palasyo sina Chinese Ambassador to the Philippine­s Zhao Jianhua, at Embassy of China Counsellor Sun Yi.

Nasa Manila ang mga miyembro ng CPC party sa imbitasyon ng namumunong Partido Demokratik­o Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Kasama rin sa pagpupulon­g sina Senate President Aquilino Pimentel III at Energy Secretary Alfonso Cusi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines