Balita

Pastor hinoldap ng taxi driver

- Alexandria Dennise San Juan

Isang pastor na patungo sana sa kanilang simbahan ang ninakawan at tinutukan ng kutsilyo ng driver ng taxi na kanyang sinakyan sa Quezon City, nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ni Senior Police Officer 3 Jesus Saguibo, case investigat­or ng Project 4 Police Station (PS-8), ang complainan­t na si Mark Dizon, 33, minister ng born again christian church, at residente ng Marikina City.

Ayon sa biktima, pinara niya ang dilaw na taxi na may dark green stripes sa Marikina Bayan sa Marikina City, patungo sa kanilang simbahan sa may Ortigas, dakong 7:45 ng gabi.

Umupo si Dizon sa tabi ng driver, walang kamalay- malay sa panganib na mangyayari, at binagtas ang kahabaan ng Major Dizon Street sa Marikina City.

Pagsapit sa Katipunan Avenue sa Barangay Escopa 2, Project 4, ang driver na inilarawan­g bilog ang mukha at katamtaman ang pangangata­wan, ay nagdeklara ng holdap.

Bumunot ng kutsilyo ang driver, itinutok sa katawan ng biktima at sapilitang kinuha ang bag nito na naglalaman ng mamahaling laptop na nagkakahal­aga ng P80,000 at cash na P3,000.

Inutusan si Dizon ng driver na nakasuot ng green polo shirt na bumaba mula sa sasakyan bago tumakas, tangay ang mga ninakaw sa pastor, patungong Ateneo de Manila University.

Agad nagpasaklo­lo ang biktima sa police officers. Gayunman, hindi matandaan ni Dizon ang pangalan ng taxi at tanging natandaan ang “UVV” sa plate number.

Idinagdag niya na pakiramdam niya’y siya ay ligtas at kumportabl­e kaya hindi na niya tiningnan ang pangalan ng taxi.

Sinabi ni Dizon na matatandaa­n niya ang driver na humoldap sa kanya sa oras na makita niyang muli ang mukha nito.

Samantala, nakunan ng closedcirc­uit television (CCTV) camera ang taxi ngunit malabo ang body markings nito.

Patuloy ang follow- up investigat­ion habang nire-review ng mga pulis ang CCTV footages sa lugar upang matunton ang taxi.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines