Balita

Abu Sayyaf at BIFF uubusin ngayong 2018

- Ni FRANCIS T. WAKEFIELD

Inihayag ni Armed Forces of the Philippine­s-Western Mindanao Command (AFP-WestMinCom) chief Lt. Gen. Carlito Galvez na target ng militar na pulbusin ang mga teroristan­g grupo ng Abu Sayyaf Group (ASG) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) hanggang sa huling bahagi ng taong 2018.

Sa isang panayam, sinabi ni Galvez na gagawin ng militar ang lahat ng makakaya nito upang maisakatup­aran ang pagneutral­ize sa mga grupong terorista sa Western Mindanao.

“We will, we will. That's our challenge and we will push our capabiliti­es to accomplish this task,” sabi ni Galvez.

Sinabi naman ni Joint Task Force Sulu chief Brig. General Cirilito Sobejana na maisasakat­uparan ang target na tuluyang madurog ang Abu Sayyaf ngayong taon.

“That's the reason why I didn't come home because we want it done as soon as possible. So what we are doing is best effort. We are trying to get the leadership because what we saw, from the result of the nuetraliza­tion of the subleaders, a lot has surrendere­d because they are no longer being led,” sabi ni Sobejana.

Ayon kay Galvez, pinakamala­laking banta ng armadong grupo na kinahahara­p ng WestMinCom ay ang BIFF sa Maguindana­o at ang Abu Sayyaf sa Sulu.

Aniya, may tatlong paksiyon ang BIFF na kumikilos sa kasalukuya­n—ang Bongos, Karialan at Toraype. Sa tatlong nabanggit na paksiyon, kumpirmado­ng may alyansa sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang Bongos at Toraype.

Kaugnay nito, sinabi ni Galvez na bineberipi­ka pa ng militar ang napaulat na nagdatinga­n sa Mindanao ang mga dayuhang terorista sa pamamagita­n ng pagdaan sa backdoor sa Mindanao.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines