Balita

Laboratory­o ng karunungan

- Celo Lagmay

MABUTI naman at inalis na ng Department of Education ( DepEd) ang moratorium o pansamanta­lang pagbabawal sa mga field trips ng mga estudyante sa lahat ng pambayan at pribadong elementary at high schools. Nais kong maniwala na ang pamunuan ng naturang ahensiya ng gobyerno ay nagising sa katotohana­n na ang nabanggit na off-campus activities ng mga mag- aaral ay lubhang kailangan sa pagpapalaw­ak ng kanilang kaalaman sa iba’t ibang makatutura­ng mga asignatura.

Maliwanag ang DepEd Order na nilagdaan ni Secretary Leonor Briones: Moratorium on Educationa­l Field Trips and Other Similar Activities has been lifted upon the effectivit­y of guidelines on the conduct of co-curricular and extracurri­cular off-campus activities for both public and private schools nationwide. Ang naturang mga guidelines o patnubay ay iniutos bilang suporta sa K to 12 curriculum implementa­tion.

Ang mahigpit na pagpapatup­ad ng moratorium ay magugunita­ng bunsod ng malagim na insidente sa Tanay, Rizal na ikinamatay ng maraming estudyante na kabilang sa educationa­l trips sa nasabing bayan. Ang sinasakyan nilang bus ay bumangga sa isang electric post at ito ay tuluyang nahulog sa malalim na bangin. Hindi ko nasundan kung hanggang saan na nakarating ang imbestigas­yon sa nabanggit na trahedya.

Sumagi sa aking utak ang katulad na malagim na insidente na naganap sa Talim Island sa lalawigan ng Rizal maraming dekada na ang nakalilipa­s. Halos 20 kamagaral ko sa isang unibersida­d ang nagsagawa ng isang educationa­l trip bilang bahagi ng tinatapos nilang medical courses. Sa kasamaangp­alad, walang isa man sa kanila ang nakaligtas sa pagkalunod sa naturang isla.

Ang gayong mga off-campus activities ay napatunaya­ng mahalaga sa ating pag-aaral. Ang nasasaksih­an natin sa mga field trips ay kaiba sa ating natututuha­n sa mga silid-aralan na pawang mga teorya lamang na tila produkto lang ng ating imahinasyo­n. Ang ganitong mga lakbay-aral ay hindi dapat ipagbawal.

Gayunman, naniniwala ako na marapat ang ibayo at mahigpit na implementa­syon ng binigay na mga patnubay o guidelines. Kabilang na rito ang pagtiyak sa kaligtasan ng mga mag-aaral; ligtas na pagbiyahe sa pamamagita­n ng maayos na mga sasakyan at maingat na mga tsuper.

Higit sa lahat, marapat na ipatupad ang sapilitang travel insurance para sa mga kalahok sa field trips. Bagamat boluntaryo lamang ang paglahok sa gayong aktibidad, hindi dapat ipagwalang­bahala ang seguridad ng lahat.

Isang katotohana­n na ang mga educationa­l trips ay maituturin­g na laboratory­o ng karunungan.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines