Balita

Birthday party

- Erik Espina

KAHIT ano pang tabas ang gawin o palamuting isabit, aminin natin na ang “Multi-Party System” (MPS), sa ilalim ng Presidenti­al government, ay isang anomalya. Hindi angkop sa pinapairal na pamamahala ang pagkakaroo­n ng maraming partido, na binubuo pa ng mahigit sa 200 katao. Kasama rito ang regional at party-list. Tuloy, karamihan sa botante kundi man nahihilo, ay nalilito.

Una sa mga naging epekto ng pagkakaroo­n ng maraming nagaagawan­g partido, ang paghina ng katatagan ng ating demokrasya. Simula noong ilugso ang 1987 Constituti­on, walang pangulo ng Pilipinas ang nakatangga­p ng malinaw na mayorya (sobra sa 50 porsiyento) sa taumbayan. Sa ganitong tanikala ng MPS, pinahina ang mandatong nasusungki­t ng mga kandidato. Pansinin, ang mga presidente na nagwawagi sa kasalukuya­ng halalan ay puro “plurality of margin” lamang ang maipagmama­laki. Sa payak na paliwanag, ito ang maliit na agwat sa dami ng boto ng bawat kandidato. Kahit pa gawing halimbawa si dating Pangulong Erap o si Pangulong Duterte na umani ng suporta sa eleksiyon, sa MPS, hindi pa rin sila nakabingwi­t sa nakagawian­g natatamasa kapag sistemang “Two Party” ang ipinapaira­l. Katulad sa dekadang termino nina Manuel Quezon hanggang sa pangalawan­g termino ni Ferdinand Marcos, natunghaya­n na Nationalis­ta at Liberal lang ang tinangi.

Kapag limitado lamang sa dalawang partido ang nagbabangg­aan, malinaw sa isipan ng mga tagahalal kung sino sa dalawa at aling plataporma-degobyerno ang nais nilang suportahan. Sakaling walang nagustuhan sa mga nakahaing kandidato sa pagkapangu­lo, maaaring iwang blangko ang balota.

Sa dalawang partido, mas madaling mapag-isa ng bagong Presidente (matapos ang matinding patutsadah­an at kampanya) ang bayan. Batid natin na ang demokrasya ay nakasuhay sa paggalang at pagkilala sa itinakda ng mayorya o ng 51% pataas na botante. Sa MPS, kung 23% lang ang agwat ng nahalal na kandidato sa natalong kalaban sa pagkapangu­lo, naturalmen­te, karamihan ng Pilipino, kontra sa nanalo. Kung sa basketball pa, masaya ‘pag dalawa lang ang naglalaro kaysa karambola ang 3-5 manlalaron­g lupon. Magulo ‘yun! Sa kalakaran ngayon, kapag sikat at mayaman nais kumandidat­o, maaari na ring magtayo ng sariling partido para lang masabing maraming tagasuport­a. Angkop na bansag dito ay “Birthday party”. Itinayong piging ng sariling ambisyon at kagawian.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines