Balita

Online business ni Kris, dinadagsa ng mga kliyente

- Ni NITZ MIRALLES

TULUY-

TULOY ang pagdagsa ng bagong clients sa bagong online business ni Kris Aquino. Nitong nakaraang Martes ng gabi, nag-post sa Instagram ang Queen of Online World and Social Media ng photo kasama si Mr. Dioceldo Sy, owner ng Ever Bilena. Naka-post din ang photo nina Kris, Mr. Sy sa IG ni Mr. Sy at IG ng Ever Bilena Cosmetics.

Ang caption ni Kris sa picture, “Wonderful to meet you @dioceldody & the @everbilena­official team. #wherebeaut­ybegins #lovelovelo­ve.”

Ang caption ni Mr. Sy, “What a pleasure to meet with the Queen of Media#Beautiful2­018” at ang caption ng Ever Bilena Cosmetics, “Our CEO @ dioceldosy & COO #sillimansy with the marketing team had a getting-to-know dinner with the one and only Queen of PH Media, @ krisaquino. It was such a pleasant time and we’re looking forward to more beautiful beginnings ahead! “

Naalala namin, may nakapagkuw­ento na may beauty line na ii-endorse si Kris, ang Ever Bilena na ba ito? Nakakatuwa dahil wala pa mang announceme­nt na si Kris na ang bagong endorser ng Ever Bilena, marami na sa kanyang followers ang nangakong magpapalit ng brand at Ever Bilena na ang gagamiting beauty products.

Ang mga dati nang Ever Bilena users, tuwangtuwa na ang ginagamit nilang beauty products ay gagamitin na rin ni Kris, kung matutuloy nga siyang maging endorser. Isa kaya ang Ever Bilena sa six (o seven ba?) na narinig namin new endorsemen­ts ni Kris, karagdagan sa 22 nang existing brand partners niya.

 ??  ?? Kris, Mr. Dioceldo Sy, Nicko Falcis at Team EB
Kris, Mr. Dioceldo Sy, Nicko Falcis at Team EB

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines