Greta Gerwig, ayaw nang makipagtrabaho kay Woody Allen
KLINARO ni Lady Bird director Greta Gerwig ang kanyang mga pananaw tungkol sa pakikipagtrabahao kay Woody Allen sa kanyang 2012 na pelikulang To Rome With Love.
Sa usapin tungkol sa sexual harassers sa Hollywood at sa # metoo at Time’s Up movements, muling nadadawit ang pangalan ni Allen at kinukuwestiyon ng ilang kritiko kung bakit may inilalabas pa rin siyang pelikula gaya ng Wonder Wheel. Inakusahan si Allen ng kanyang ampon na anak ng pangmomolestiya noong bata pa ito.
Sa pakikipag-usap sa New York Times, sinabi ni Gerwig na “heartbroken” siya nang matuklasan niya ang mga alegasyon laban sa director, ngunit iniwasan niya ang mga ito at sinabing pinagsisisihan niya ang paggawa ng pelikula kasama ito.
“I have been asked about a couple of times recently, as I worked for (Allen) on a film that came out in 2012. It is something that I take very seriously and have been thinking deeply about, and it has taken me time to gather my thoughts and say what I mean to say,” ani Gerwig.
“I can only speak for myself and what I’ve come to is this: If I had known then what I know now, I would not have acted in the film. I have not worked for him again, and I will not work for him again. Dylan Farrow’s two different pieces made me realize that I increased another woman’s pain, and I was heartbroken by that realization. I grew up on his movies, and they have informed me as an artist, and I cannot change that fact now, but I can make different decisions moving forward.”
Sa Golden Globes nitong nakaraang Linggo, tinanong siya tungkol sa pakikipagtrabaho kay Allen, at sinabing isinapuso niya ito ngunit pinag-iisipan pa kung paano siya magkokomento.
Nakipag-ugnayan na ang Variety kay Allen para humingi ng komento.